Delete or close a GCash for Business account
Note:
Ang pag-close o pag-delete ng iyong account ay isang pormal na request na ipinapadala mo sa GCash. Iba ito sa pagtanggap ng offboarding notice mula sa amin. Kung nakatanggap ka ng offboarding notice mula sa GCash, tignan ang Offboarding for Merchants.
Kung gusto mong ipa-close ang iyong GCash for Business account, narito ang lahat ng kailangan mong malaman bago magsimula.
Bago ka magsimula
- Ubusin ang laman ng wallet: I-withdraw o i-transfer ang lahat ng iyong pera. Hindi na makakatanggap ng pera ang iyong wallet kapag sinimulan na ang closure process, at kailangan din ma-verify ng GCash na zero na ang iyong balance.
- I-download ang iyong records: I-save ang transaction history o mga report na kakailanganin mo. Permanenteng mawawala ang access mo sa portal kapag sarado na ang account.
Paano mag-request ng account closure
I-send ang iyong request sa GCash for Business merchant support o kontakin ang iyong Account Manager (kung meron).
Siguraduhing isama ang mga sumusunod:
- Registered business name
- Details ng registered account holder
- Malinaw na mensahe o request na nais mong ipa-close ang account
Paalala: Ang request ay dapat manggaling mismo sa registered account holder o sa isang authorized representative.
Ano ang mangyayari pagkatapos?
- Ibe-verify ng GCash na zero balance na ang account, walang pending na transactions o refunds, walang open disputes, o walang active loans o unpaid fees.
- Kapag fully closed na ang account, idi-disable ang lahat ng linked products, devices, at merchant services.
- Magpapadala ang GCash ng notification sa official channels kapag tuluyan nang closed ang iyong account.
FAQs
Timeline at Status
Depende ito. Kailangan munang i-review ng GCash ang iyong balance, transactions, disputes, device returns, at compliance o security checks. Makakatanggap ka ng updates sa iyong email.
Oo. Pansamantalang mahohold ang closure kung mayroon ka pang unpaid balance, open disputes, active loans, ongoing compliance checks, o hindi pa naisasauling devices.
Devices at Products
Kailangang i-return ang mga company-owned device ayon sa inyong kasunduan o kontrata. Tutulungan ka ng team para i-coordinate ang pagbalik nito. Makukumpleto lamang ang closure kapag naisauli na ang devices o kapag may maayos nang return arrangement.
Maaari kang mag-request na i-deactivate lang ang partikular na device o product nang hindi isinasara ang buong account. Mag-email sa partnersupport@gcash.com para magpatulong.
Pagbabago ng Isip at Reopening
Hindi na. Kapag closed na ang account, hindi na ito mabubuksan ulit. Kung nais mong gumamit muli ng GCash for Business balang araw, kailangan mong mag-submit ng bagong application at kumpletuhin ang verification.
Kontakin agad ang GCash for Business merchant support. Kung kasalukuyan pa itong nire-review, maaari pa itong ipatigil. Pero kung fully closed na ang account, kailangan mo nang mag-apply muli.
Other cases
Huwag mag-request ng account closure. Kontakin ang GCash for Business merchant support para tulungan kang ma-recover ang iyong login details at maibalik ang access mo.
Nire-review ang mga inactive account base sa company policy. Karaniwang magpapadala muna ng notice ang GCash bago gumawa ng aksyon.
Maaari ka pa ring mag-request ng account closure. Gagabayan ka ng team sa pag-settle ng final balance, pagsasauli ng devices, at pag-kumpleto ng proseso ng pagsasara.