Wallet Balance
Ang Wallet Dashboard ang home page ng GCash for Business Portal. Awtomatiko itong nagbubukas pagka-log in mo at ipinapakita rito ang iyong business details, wallet balance, at recent activity.
Paano buksan ang Wallet Dashboard at i-check ang balance mo
- Pumunta sa business.gcash.com at mag-log in gamit ang iyong business email at password.
- Kumpletuhin ang OTP verification, kung hihingin. Awtomatikong magbubukas ang Wallet Dashboard. (Para bumalik dito kahit kailan, i-select ang Wallet o Dashboard/Home sa left menu.)
- I-check ang iyong Available at Pending balances sa itaas ng screen, kasama ang timestamp na nagpapakita kung kailan huling na-update ang wallet data mo.
Ano ang makikita sa Dashboard
- Business name: Ang pangalan ng business mo mula sa iyong onboarding.
- Wallet Account Number: Ang iyong 15-digit business account number. Ito ang pagkakakilanlan ng wallet mo at pwedeng gamitin ng iba para magpadala ng pera sa iyo gamit ang supported interbank transfer channels.
- Available balance: Cleared funds na pwede mo nang i-transfer at gamitin ngayon.
- Pending balance: Pera na hindi pa handang gamitin. Hindi mo pa ito magagamit hanggang ma-clear ang transaction at malipat sa available balance mo.
- Fund breakdown: Mga successful transactions para sa araw na ito, na pwedeng tingnan ayon sa status o product.
- Transaction snapshot: Ang iyong pinakabagong 15 transactions ngayong araw. (Tingnan ang lahat ng transactions sa Transactions module.)
Note: Ipinapakita ng timestamp sa itaas kung kailan huling na-update ang wallet data.
FAQs
Lahat ng may account access ay pwedeng makakita ng Wallet Dashboard at balance. Lahat ng user roles ay pwedeng tumingin dito, pero mga piling roles lang ang pwedeng mag-move ng funds.
- I-refresh ang page.
- Mag-log out, tapos mag-log in ulit.
- Gumamit ng updated at supported browser na may stable internet connection.
- Siguraduhing fully verified at active ang account mo.
Need more help?
Kung nawawala pa rin ang balance mo o nakakaranas ka ng issue, mag-contact sa GCash for Business merchant support at isama ang:
- Registered Business Name
- Registered Email Address
- Wallet Account Number
- Malinaw na paglalarawan ng issue
- Screenshot o reference number, kung mayroon