Paano makakuha at mag-collect ng green energy points sa GForest?
Kapag nakakuha at nag-collect ng green energy points sa GCash, nababawasan ang carbon footprint mo at makakatulong ka sa environmental conservation. Bawat cashless transaction mo sa GCash, nakakatulong kang magbawas ng carbon at mas napapalapit sa pagtatanim ng puno sa GForest.
Paano makakuha ng green energy points:
Ang green energy points ay nagpapakita ng kabuuang carbon na natipid dahil sa mga GCash transactions tulad ng Send Money, Buy Load, at Pay Bills.. Kada successful transaction, makakatanggap ka ng green energy points, na kumakatawan sa carbon reduction mula sa cashless activities.
Ang points ay magiging credited sa loob ng 24 oras pagkatapos ng transaction.
Ito ang mga GCash transactions na makakatulong sayo para makakuha ng energy at ang kanilang monthly limits:
GCash Transaction | Green Energy Points | GCash Transaction Monthly Limit
(maximum # of times a user can earn green energy from a specific GCash transaction) |
Green Energy Points Monthly Limit (maximum # of energy points a user can earn in a month) |
Buy Load | 106 points per transaction | 30 per month | 3180 energy points |
Bank Transfer | 228 points per transaction | 10 per month | 2280 energy points |
Pay Bills | 253 points per transaction | 20 per month | 5060 energy points |
Cash-in Online | 56 points per transaction | 10 per month | 560 energy points |
Send Money | 131 points per transaction | 10 per month | 1310 energy points |
GSave - Deposit | 131 points per transaction | 20 per month | 2620 energy points |
Paano mag-collect ng green energy points:
- Sa GCash app, pindutin ang GForest
- Pindutin ang floating energy bubbles sa GForest homepage
- Pwede rin mag-collect ng green energy mula sa mga kaibigan- pindutin lang ang pangalan nila sa GForest dashboard
Sa ngayon, hindi mo pa pwedeng i-unfriend ang GForest friends mo. Para maiwasan na makuha nila ang energy mo, i-check ang GForest 24 oras matapos ang transaction.
Ang energy bubbles ay hindi lumalabas sa eksaktong oras, pero madalas ay nasa pagitan ng 6:00 AM - 7:00 AM at 11:00 PM - 12:00 MN. I- check at kunin agad ang energy mo—nawawala ang uncollected bubbles matapos ang 72 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: