Paano magtanim ng puno sa GForest?
Ang GForest ay feature sa GCash app na tumutulong sa’yo na makapagtanim ng totoong puno sa buong Pilipinas.
Paano magtanim ng puno sa GForest
Una, kailangan mo munang mag-ipon ng enough green energy points. Tap Locations sa GForest homepage para makita mo kung saan itatanim ang tree mo.
- Sa GCash app, pindutin ang GForest
- I-tap ang Plant a Tree
- Piliin ang puno na gusto mong itanim
- Basahin ang description > i-tap ang Plant Now
- Makikita mo ang certificate ng puno na pinili mong itanim
Makikita mo ang certificate number at tree type, at malalagyan ito ng stamp kapag naitanim na ang seedling sa isa sa aming planting sites.