Paano magtanim ng puno sa GForest?
Ang GForest ay isang interactive climate tech platform sa GCash kung saan pwede mong suportahan ang tree-planting projects sa buong Pilipinas. Sa paggamit ng digital transactions, nababawasan ang carbon footprint mo at nakakatulong ka sa paglaban sa climate change.
Para sa bawat virtual tree na itinanim mo sa app, ang GCash at mga partner nito ang magtatanim ng totoong puno para sayo. Mula 2019, mahigit 2.5 million na totoong puno na ang naitanim sa buong bansa.
Paano magtanim ng puno sa GForest:
Una, mag-ipon muna ng green energy points. Pindutin ang Locations sa GForest homepage para makita kung saan itatanim ang puno mo, sa tulong ng ating mga partners.
- Sa GCash app, pindutin ang GForest
- I-tap ang Plant a Tree
- Piliin ang puno na gusto mong itanim
- Basahin ang description at pindutin ang Plant Now
- Makikita mo ang certificate ng puno na pinili mong itanim
Makikita mo ang certificate number at tree type, at malalagyan ito ng stamp kapag naitanim na ang seedling sa isa sa aming planting sites.
GForest Partners
Ang tree-planting initiatives ay posible dahil sa aming trusted partners na nagtatrabaho kasama ang local farming communities para magtanim at mag-monitor ng mga seedlings.
- Kabang Kalikasan ng Pilipinas Foundation, Inc. (WWF-Philippines)
- Ramon Aboitiz Foundation Inc. (RAFI)
- Ayala Land Inc. (ALI)
- Friends of Hope Inc. (HOPE)
- Century Pacific Food Inc. (Century)
- Philippine Coffee Board Inc.
- WWF
- Culion Foundation
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: