Paano mag-troubleshoot ng GCash app issues
Para sa GCash app errors tulad ng something went wrong, gawin ang troubleshooting steps sa ibaba para ayusin ang issue:
I-update ang GCash app
I-update ang iyong app sa latest version. Pwede mo ring i-enable ang Auto-Updates:
Android/Huawei:
- Pumunta sa Settings ng Play Store.
- Pindutin ang Auto-update apps at piliin ang preferred option:
- Over any network para ma-update ang apps gamit ang WiFi o mobile data.
- Over WiFi only para ma-update ang apps kapag naka-connect sa WiFi.
iOS:
- Pumunta sa Settings, pindutin ang App Store.
- I-click ang App Updates sa ilalim ng Automatic Downloads.
Lumipat ng network connection
- Isara ang GCash app at tanggalin ito sa mga nakabukas na apps.
- I-turn on ang Airplane mode ng 30 seconds, pagkatapos ay i-turn off ito.
- Kung WiFi ang gamit, pwedeng mobile data muna ang gamitin, o kung naka-mobile data naman, pwedeng WiFi muna ang gamitin.
- Buksan ulit ang GCash app.
Magpalit ng mobile number
- Buksan ang GCash app.
- Pindutin ang ⇄ button (mga arrow katabi ng mobile number).
- I-tap ang Proceed.
- Ilagay ang GCash number ulit at mag-log in.
I-force close at buksan ang GCash app mo
Depende sa idevice mo kung paano mo pwedeng force close at i-restart ang GCash app:
Android:
- Pindutin ang Recent apps.
- Hanapin ang GCash at i-swipe ito pagilid hanggang mawala ito para masara ng app.
iOS:
- I-double-press ang Home button o mag-swipe up sa home screen.
- Hanapin ang GCash at i-swipe ito pataas hanggang mawala ito para masara ng app.
I-clear ang app cache (Android)
Para sa mga Android users, posibleng makatulong ang paglilinis ng app cache. Ito ang pwedeng gawin:
- Pumunta sa Settings > App Manager.
- Pindutin ang GCash > Internal Storage.
- I-tap ang Clear Cache.