Ano ang GScore?
Ang GScore ay pinapakita kung gaano ka ka-active gumamit ng GCash. Unique ito sa mobile number o SIM mo, at hindi pwede i-transfer.
Paano gumagana ang GScore
- Ang GScore mo ay base sa GCash activities mo tulad ng:
- Paglagay ng funds sa wallet mo
- Pagbayad ng bills
- Paggamit ng GSave, GInvest, at GInsure
- Ang mataas na GScore ay HINDI ibig sabihin na automatic kang eligible o tataas ang credit limit mo, kasi may iba pang factors na tinitingnan.
- Walang score o number na sure na mag-uunlock o magiging eligible ka sa loan products.
- Kung naka-avail ka na ng GCredit, GGives, o GLoan dati pero naging unavailable, baka may policies o metrics na hindi mo na-meet para mag-qualify ulit.
- May kanya-kanyang policies ang bawat product.
- Ina-update ng system ang GScore mo every week.
Paano pataasin o panatilihing mataas ang GScore
Walang sure way para tumaas ang GScore mo, pero pwede makatulong ang mga ito:
- I-verify ang account mo.
- Mag-cash in regularly at panatilihin ang healthy balance.
- Gamitin ang GCash sa payments at bills.
- Mag-invest o gumawa ng GSave account.
- Bumili ng insurance sa GInsure.
- Bayaran on time ang GCredit, GGives, at GLoan dues. I-maximize ang credit line mo.
Need more help? Click here to contact support.
Saan makikita ang GScore
Para i-check ang GScore mo, buksan ang GCash app at tap Profile > GScore.
Related articles
Ano ang GCash wallet and transaction limits ko?