Paano humingi ng tulong o mag-submit ng ticket sa GCash
Kailangan mo ba ng tulong sa GCash? Eto ang mga paraan para mabilis kang makahanap ng sagot o makakuha ng support:
1. I-search ang Concern o Issue mo sa GCash Help Center
Para mas madali kang makahanap ng sagot, gamitin ang search bar.
I-type lang ang pangalan ng GCash product + 2–5 keywords tungkol sa issue mo.
Halimbawa:
- GSave account update
- Send Money not received
- GLoan application pending
- GCash Card where to get
- GCash Bank Transfer failed
Makikita mo agad ang mga articles na may kinalaman sa GCash issue mo.
2. I-Browse ang Products & Services
Kung gusto mong mag-explore sa Help Center:
- Pumunta sa Products & Services section at hanapin ang product kung saan ka may concern
- Basahin ang Self-Help Guides para sa step-by-step instructions.
3. Mag-Submit ng Ticket
Kung hindi pa rin masolusyonan, hanapin ang article tungkol sa concern mo at sundin ang steps para maka-submit ng ticket.
Kung nakapag-submit ka na ng ticket, pwede mong i-check ang status sa GCash Help Center o kay Gigi.
4. Chat with Gigi
Para sa mabilisang tulong, bisitahin ang GCash Contact Us page at i-click ang Chat with Gigi.
Pwede kang makakuha agad ng info o makausap ang support agent.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: