Walang dumadating na OTP
Kung hindi ka makareceive ng OTPs (6-digit code), sundin ang steps base sa anong tinitry mong gawin:
For Express Send
Magpapadala ang GCash ng OTP para sa Send Money via in-app notifications imbes na SMS.
Para matanggap ang OTP mo:
-
I-on ang GCash push notifications. Alamin kung paano i-enable ang push notifications dito.
- Kung hindi mo pa rin natatanggap ang OTP mo, sundin ang steps sa Login & Other Transactions sa ibaba.
For Login/Other Transactions
- I-check kung malakas ang network signal mo. Kung gusto mong gamitin ang GCash gamit ang PH SIM sa ibang bansa, siguraduhing may roaming ang SIM mo. Hindi makakalog in sa GCash kung walang roaming.
- I-turn on ang Airplane Mode ng 5 seconds, tapos i-turn off.
- I-force close at buksan ulit ang GCash app.
- I-restart ang device mo.
- I-update ang GCash app.
- I-check kung puno na ang SMS inbox mo; mag-delete ng old messages kung kailangan.
Note: Hindi pwedeng makakuha ng OTP via email para sa login.
For Samsung users
Kung hindi pa rin gumana ang mga steps sa taas, siguraduhin na Samsung Messages ang gamit mo at hindi Google Messages bilang default SMS app mo. Karaniwan nang naka-pre-install ang Samsung Messages sa mga Samsung phones. Para i-set ang Samsung Messages bilang default SMS app, sundin ang mga steps na ito:
- Pumunta sa Settings > then Apps
-
Piliin ang Messages. Dapat ganito ang itsura ng icon tulad ng example sa ibaba
- Piliin ang Set as default
Pwede mo ring i-download ang Samsung Messages app at i-set ito bilang default SMS app sa pamamagitan ng mga sumusunod na steps:
- Buksan ang Galaxy Store, pagkatapos hanapin at piliin ang Samsung Messages.
- I-tap ang Install, pagkatapos Open.
- I-review at i-allow ang permissions, pagkatapos i-tap ang OK.
- Para i-set ang Messages bilang default SMS app, i-tap ang Messages sa tabi ng Samsung Messages app icon, pagkatapos i-tap ang Set as default.
For GSave by CIMB
Simula July 1, 2026, magbabago ang paraan ng pagpapadala ng OTP para sa GSave by CIMB sa GCash app.
- July 1, 2026: Ang mga OTP na dating ipinapadala via SMS ay ipapadala na sa email at Viber.
- July 15, 2026: Ang mga OTP ay ipapadala na lang sa iyong registered email address. Hindi na gagamitin ang SMS at Viber.
Important reminders
- Ang pagbabagong ito ay para lang sa GSave by CIMB withdrawals sa GCash app.
- Siguraduhing active at updated ang iyong CIMB Bank PH email address.
- Ang pag-update ng email mo sa GCash ay hindi automatic na mag-a-update ng email mo sa CIMB Bank PH.
Para maiwasan ang problema sa pagtanggap ng OTP, siguraduhing pareho ang email address mo sa GCash at CIMB Bank PH. Tap below para malaman kung paano:
- I-tap ang Menu > Profile > Email Address.
- Ilagay ang bago mong email address.
- Ilagay ang security code na ipinadala sa bago mong email.
- Ilagay ang iyong 6-digit MPIN.
- I-download ang CIMB Bank PH app.
- I-tap ang Link my account > GSave Account.
- Ilagay ang iyong mobile number, email address, SMS OTP, username, at 6-digit MPIN.
- I-tap ang Link my account > GSave Account.
- Ilagay ang iyong mobile number at email address, pagkatapos ang 6-digit SMS OTP.
- I-tap ang I lost access to my email address.
- Ilagay ang bago mong email at ang security code.
- I-verify ang iyong identity gamit ang valid ID at selfie.
- I-link muli ang account gamit ang updated mong email.