Ano ang GCash wallet at transaction limits ko?
Paalala:
Para mas maging flexible ang paggamit ng GCash sa iyong mga transactions, na-update ang mga limit ng GCash wallet simula October 1, 2026. I-update ang iyong GCash app sa latest version para ma-access ang mga limit na ito.
Para malaman ang higit pa tungkol sa mga limit ng GCash wallet at transactions, i-tap ang section sa ibaba:
Ang mga adult na user ay maaaring gumawa ng hanggang limang (5) account. Automatic na naka-link ang mga ito sa iisang customer profile.
Ang mga minors (aged 7 to 17 years old) ay maaaring magkaroon ng isang account bawat customer profile.
Para malaman ang higit pa tungkol sa account ownership limits, click here.
Ang iyong GCash wallet and transaction limits ay nakadepende sa iyong GCash profile. Kapag naabot mo ang isang limit, hindi mo magagamit ang ilang services hanggang sa mag-reset ito sa unang araw ng susunod na buwan o mag-upgrade ka ng iyong profile.
Kapag two or more ang naka-link na account
-
Ang pinakamataas na wallet at transaction limit ang gagamitin para sa lahat ng iyong account.
Halimbawa: Kung ang isang account ay may limit na PHP 500,000 at ang isa naman ay may limit na PHP 1,000,000, magiging PHP 1,000,000 ang maximum wallet limit para sa dalawang account.
-
Hindi pagsasamahin ang wallet at transaction limits para makagawa ng mas mataas na total limit.
Ibig sabihin, hindi pwedeng lumampas sa profile limit mo ang total na perang matatanggap ng lahat ng naka-link na account.
Halimbawa: Kung ang mobile number A ay nakatanggap na ng total of PHP 1,000,000 for the month, hindi na makakatanggap ng pera ang iba mong naka-link na GCash account hanggang sa mag-reset ang iyong incoming transaction limit sa unang araw ng susunod na buwan.
Bukod sa iyong GCash wallet and transaction limits, pwedeng may separate limits pa para sa mga sumusunod na services:
Paalala: Maaaring mag-update o magtakda ang GCash ng mga limit, o pansamantalang ihinto ang ilang limit ng account, para masunod ang mga regulasyon ng BSP at mga patakaran laban sa money laundering, maiwasan ang panloloko, at mapanatiling ligtas ang iyong account.