Paano mag-unsubscribe or i-unlink ang GCash sa ibang app
Note:
Pwedeng i-check ng GCash ang iyong transaction o i-unlink ang iyong account. Ang merchant ang nagha-handle ng mga refund request. Direktang makipag-ugnayan sa merchant para sa mga refund request o concern tungkol sa order.
Pwede mong i-unlink ang isang merchant sa iyong GCash account gamit ang Subscription Center sa GCash app. Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Buksan ang GCash app.
-
I-tap ang Profile > Subscription Center.
- Piliin ang merchant na gusto mong alisin.
- I-tap ang Unlink.
- Suriin ang mga detalye, pagkatapos ay i-tap ulit ang Unlink.
May makikita kang confirmation screen at makakatanggap ka ng in-app message at SMS kapag na-unlink na ang merchant.
Alamin pa ang tungkol sa Subscription Center sa article na ito.
Need more help?
Kung may problema sa pag-unlink ng merchant gamit ang Subscription Center, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, at pagkatapos ay i-tap ang Chat with Gigi.
Kung sa tingin mo ay hindi mo awtorisado ang charge at hindi mo inaprubahan ang payment, i-report ang unauthorized payment o subscription.