Ano ang Subscription Center?
Ang Subscription Center ay isang feature sa GCash app kung saan makikita mo ang lahat ng apps at websites na gumagamit ng GCash bilang payment method. Dito, pwede mong i-view at i-manage ang mga subscription mo sa isang place lang, without opening each app or site.
Key Benefits
- See Everything in One Place: Makikita mo ang lahat ng apps, websites, at merchants na naka-link sa GCash mo sa isang malinaw na list.
- Unlink with One Tap: Pwede mong tanggalin ang GCash mo sa kahit anong merchant direkta sa app. Hindi mo na kailangang buksan pa ang website ng merchant.
- Protect Your Money: Mapipigilan mo ang unwanted auto-charges. Ikaw ang pipili kung sino ang puwedeng mag-charge sa account mo at maiiwasan ang future recurring payments.
Paano tingnan ang linked accounts
Para makita kung aling merchants ang pwedeng mag-auto-charge mula sa wallet mo:
- Mag-log in sa GCash app mo.
-
I-tap ang Profile > Subscription Center.
-
I-review ang list ng linked apps, websites, at merchants.
Paano mag-unlink ng merchant
Kung may subscription kang hindi mo na kailangan, o gusto mong pigilan ang merchant sa pag-auto-charge sa account mo:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang Profile > Subscription Center.
-
Piliin ang merchant na gusto mong alisin, then i-tap ang Unlink.
-
I-review ang details, then i-tap ulit ang Unlink.
Pagkatapos, makakakita ka ng confirmation screen at makakatanggap ka rin ng in-app message at SMS once na ma-unlink na ang merchant sa GCash account mo.
FAQs
I-tap ang sitwasyong tumutugma sa concern mo.
I-try ang mga sumusunod:
- I-update ang GCash app.
- I-check ang internet connection mo.
- Isara at buksan muli ang GCash app.
- I-restart ang phone mo.
Para sa Android, i-clear ang cache ng GCash app: Settings > Apps/App Manager > GCash > Storage > Clear Cache.
Para sa iPhone, siguraduhing iOS 14 o mas bago ang gamit ng device mo.
Kailangan mo pa rin ng tulong? Mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, at pagkatapos ay i-tap ang Chat with Gigi.
- Tingnan ang Expired tab sa GCash Subscription Center.
- Kung wala roon, tingnan ang Active tab para sa Google o Apple merchant.
- Para sa Google merchant, tingnan ang Google Play Store. Para sa Apple merchant, tingnan ang Apple App Store.
Hindi mo pa rin makita o ma-unlink ang merchant? Mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, at pagkatapos ay i-tap ang Chat with Gigi.
Kung mali ang pangalan ng merchant, huling petsa ng pag-link, expiry date, o iba pang detalye, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, at pagkatapos ay i-tap ang Chat with Gigi.
May ilang merchant na ina-update pa ang kanilang mga system. Dahil dito:
- Maaaring lumabas pa rin ang merchant sa GCash Subscription Center kahit na na-unlink mo na ito sa merchant app.
- Maaaring lumabas pa rin ang GCash bilang payment method sa merchant app kahit na na-unlink mo na ang merchant sa GCash Subscription Center.
Hindi matutuloy ang mga payment na gagawin pagkatapos mag-unlink at magpapakita ang mga ito ng error. Nakikipagtulungan kami sa aming merchant partners para maayos ito.
Para muling i-link ang account mo, buksan ang app o website ng merchant at piliin ang GCash bilang payment method.
Important reminder:
Kapag in-unlink mo ang isang merchant, hindi na sila makakapag-charge sa GCash account mo para sa future payments o subscriptions. Tatanggalin lang nito ang GCash bilang payment method mo. Hindi nito isasara ang account mo sa merchant.
Kung may tanong ka tungkol sa past charges o refunds, i-check ang refund policy ng merchant o kontakin sila directly.