Hindi nag-reflect ang GCrypto transaction
Kung nagkakaproblema ka sa iyong GCrypto transaction, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-check ang mga detalye. Siguraduhing tama ang wallet address, network, at destination tag. Kapag may mali sa kahit anong detalye, hindi matutuloy ang transaction. Ang mga natapos nang GCrypto transaction ay hindi na puwedeng baligtarin o i-refund.
-
Kung nagpapadala ka ng USDC.e mula sa World App. Ginagamit ng World App ang World Chain.
Sinusuportahan lang ng GCrypto ang USDC sa Ethereum Mainnet (ERC20), Base, at Solana. Dahil sa hindi pagtutugma na ito, puwedeng mabigo ang iyong transaction. Tingnan ang mga tips sa ibaba para sa mga susunod na padala. - I-check ang iyong email. May ilang transaction na kailangan ng security review. Magpapadala kami ng email at ipo-proseso namin ang iyong request sa loob ng 60–120 minuto.
Maghintay dahil sa network delays. Kung hindi mo pa rin natatanggap ang iyong crypto, posibleng abala ang blockchain. Maghintay pa ng karagdagang 60–120 minuto.
Need more help?
Piliin kung paano ginawa ang transaction:
GCrypto to other wallets
- Kung mula sa GCrypto ka nagpadala, kontakin muna ang support team ng tumanggap na wallet.
- Kung nagawa mo na ito at kailangan mo pa rin ng tulong, click here to contact support.
Another crypto wallet to GCrypto
- Kung mula sa ibang wallet ka nagpadala, kontakin muna ang kanilang support team.
- Kung nagawa mo na ito at kailangan mo pa rin ng tulong, click here to contact support.
Tips para sa pag-send ng crypto
- Gamitin ang QR code kung maaari para maiwasan ang maling pag-type.
- Kung unang beses mong magpadala sa address na ito, magpadala muna ng maliit na test amount. Kapag nag-reflect na sa GCrypto, saka mo ipadala ang natitira.
- Laging i-check kung alin ang network na sinusuportahan ng GCrypto para sa coin mo.
- Gumamit ng bridging service/app para ilipat ang USDC mula Optimism papuntang Ethereum Mainnet.