Hindi ako makapag-send o makapag-receive ng crypto sa GCrypto
Kung nakakatanggap ka ng error kapag nagse-send o nagre-receive ng crypto sa GCrypto, maaaring dahil ito sa:
-
Maling detalye ng wallet
- I-check ang wallet address.
- Siguraduhing tugma ang network sa crypto na isi-send mo.
-
Walang destination tag o memo
- May ilang crypto na kailangan ng destination tag o memo.
- Kapag wala ito, maaaring mag-fail o ma-delay ang transaction.
-
Network congestion
- Kapag busy ang network, maaaring mabagal ang mga transaction.
-
Kulang ang pondo o fees
- Siguraduhing sapat ang balance at fees para makapag-send.
-
Na-disable ang account
- Kapag mali ang na-enter mong OTP mula sa email nang 5 beses, mabablock ang GCrypto account mo sa pag-send.
- Maghintay ng 24 oras bago ka makapag-send ulit.
Mga pwedeng gawin kung hindi makapag-send o makapag-receive ng crypto sa GCrypto:
- I-check ang wallet address, network, at anumang kinakailangang tag o memo.
- I-check ang transaction status sa blockchain gamit ang transaction hash o ID.
- Maghintay ng ilang oras kung mabagal ang network.
Kung hindi mo pa rin ma-send o ma-receive ang crypto, click here to contact support. Magre-reach out sa iyo ang team namin sa loob ng 24 oras.