Hindi ko mabuksan ang GCrypto account ko
Kapag nakakita ka ng error kapag binubuksan mo ang GCrypto sa GCash app, maaaring dahil ito sa:
- Problema sa system o maintenance: Posibleng may aberya o may isinasagawang pag-aayos sa system. Maghintay ng ilang oras, tapos subukan muli. Maaari mo ring subukan ang mga troubleshooting steps for common app issues.
- Kailangang i-update ang impormasyon sa account mo: Sundin ang mga hakbang sa app para i-update ang iyong detalye. Maaaring kailangan mong magpasa ng karagdagang dokumento o i-verify ang iyong impormasyon.
Kung hindi mo pa rin mabuksan ang GCrypto at patuloy pa rin ang error, click here to contact support. Magre-reach out sa iyo ang aming team sa loob ng 1–2 business days.