Hindi nag-reflect ang GCrypto transaction
Kung nagkakaproblema ka sa iyong GCrypto transaction, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-check ang mga detalye. Siguraduhing tama ang wallet address, network, at destination tag. Kapag may mali sa kahit anong detalye, hindi matutuloy ang transaction. Ang mga natapos nang GCrypto transaction ay hindi na puwedeng baligtarin o i-refund.
-
Kung nagpapadala ka ng USDC.e mula sa World App. Ginagamit ng World App ang World Chain.
Sinusuportahan lang ng GCrypto ang USDC sa Ethereum Mainnet (ERC20), Base, at Solana. Dahil sa hindi pagtutugma na ito, puwedeng mabigo ang iyong transaction. Tingnan ang mga tips sa ibaba para sa mga susunod na padala. - I-check ang iyong email. May ilang transaction na kailangan ng security review. Magpapadala kami ng email at ipo-proseso namin ang iyong request sa loob ng 60-120 minuto.
- Maghintay dahil sa network delays. Kung hindi mo pa rin natatanggap ang iyong crypto, posibleng abala ang blockchain. Maghintay pa ng karagdagang 60-120 minuto.
Tips para sa pag-send ng crypto
- Gamitin ang QR code kung maaari para maiwasan ang typing errors.
- Magpadala muna ng maliit na test amount kung first time mong magpadala sa address na ito. Kapag pumasok na sa GCrypto, pwede mo nang ipadala ang natitirang balance.
- Laging i-check kung alin ang network na sinusuportahan ng GCrypto para sa coin mo.
Gumamit ng bridging service/app para ilipat ang USDC mula Optimism papuntang Ethereum Mainnet.
Need more help?
I-tap ang scenario na match sa iyong issue:
Kung nagpadala ka mula sa GCrypto, kontakin muna ang support team ng receiving wallet. Kung nagawa mo na ito at kailangan mo pa rin ng tulong, click here to contact support.
Kung nagpadala ka mula sa ibang wallet, kontakin muna ang kanilang support team. Kung nagawa mo na ito at kailangan mo pa rin ng tulong, click here to contact support.
Ang mga completed transaction sa blockchain ay final at hindi na pwedeng bawiin, i-cancel, o i-refund. Mga karaniwang scam na dapat bantayan:
- Investment Schemes: Pangako ng sobrang laking kita o pekeng trading opportunities sa Telegram o Facebook kapalit ng pagpapadala ng crypto.
- P2P Impersonation: Mga scammer na nagpapanggap bilang buyer, seller, o platform admin sa social media na nagpapapasend ng crypto bago magbayad.
- Phishing & Malicious Wallet Drains: Pag-click sa mga kaduda-dudang links na nangunguha ng iyong credentials o nagbibigay ng unauthorized wallet access.
- Fake Customer Support: Mga nagpapanggap bilang GCash o GCrypto support sa social media na humihingi ng transfer fees o verification deposits.
Ang dapat mong gawin:
- Protektahan ang iyong account: Palitan agad ang iyong MPIN kung nakapag-click ka ng kahina-hinalang link o nakapagbahagi ng sensitive information. Huwag kailanman ibigay ang iyong MPIN o OTP kahit kanino.