Paano mag-reset ng GCash PIN
Kung na-enter mo nang mali ang GCash Card PIN mo ng 3 beses o nakalimutan mo na ito, pwede mo itong i-reset gamit ang mga steps na ito:
Paalala:
Ang GCash Card PIN ay iba sa GCash MPIN. Iwasan ang mga mahinang PINs katulad ng 123456, 111111, o iba pang consecutive o repetitive numbers.
- Pindutin ang Cards > Piliin ang GCash Card account
- I-tap ang Reset Card PIN
-
Mag-nominate ng 6-digit numeric PIN at pindutin ang Next
Makakakita ka ng confirmation prompt at makakatanggap ka ng SMS kapag successfully na-change na ang PIN mo.