Paano mag-lock ng GCash Card?
Ang pag-lock ng card ay nakakatulong sa pagprotekta nito laban sa pagkawala o suspicious activity.
I-lock ang GCash Card
Para i-lock ang GCash Card, sundan ang mga steps na ito:
- Pumunta sa GCash Card page
- Piliin ang GCash Card account
- I-tap ang Lock Card
Kapag naka-lock na ito, magiging grayed out na ito sa GCash app. Makakatanggap din ng SMS para i-confirm na temporarily suspended ang GCash Card mo.
I-unlock ang GCash Card
Kapag handa na ulit gamitin ang card, ito ang gagawin para i-unlock ito:
- Pumunta sa GCash Card page
- Piliin ang GCash Card account
- I-tap ang Unlock Card
- Ilagay ang 6-digit code na pinadala sa mobile number at i-tap ang Submit
Makakatanggap ng SMS para i-confirm na successful ang pag-reactivate ng GCash Card.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: