Paano mag-link ng GCash Card sa GCash account
Kapag na-receive mo na ang GCash Card mo, kailangan mo muna itong i-connect sa GCash account mo.
Sundin ang steps para ma-link at ma-activate ang card mo:
- Sa GCash app mo, i-tap ang Cards > Link my Card
- I-enter ang 6-digit authentication code at i-tap ang Submit
- I-fill in ang last 4 digits ng card mo at ang Virtual Account Number mo. I-tap ang Submit
- Mag-set ng 6-digit Card PIN. Iba ito sa 4-digit GCash MPIN mo. Laging i-keep private ang Card PIN at MPIN mo.
May lalabas na prompt na magco-confirm na successfully linked na ang GCash Card mo.