Wrong bank transfer to GCash or cash in
Kung nagtransfer ka ng pera mula sa bank o e-wallet mo papunta sa maling GCash account, i-contact agad ang bank o e-wallet mo. Bawat provider ay may sariling refund policy.
What to do:
- Kunin ang transaction receipt o confirmation mo.
- I-contact directly ang bank o e-wallet mo para mag-request ng refund.
- Ang issuing bank o e-wallet mo ang makikipag-coordinate sa GCash.
- Hintayin ang update nila. Depende ang refund processing time sa investigation nila.
Note: Hindi masisimulan ng GCash ang refund nang walang coordination mula sa issuing bank o e-wallet mo.
Kung kailangan mo pa ng tulong, mag-log in sa GCash app at makipag-chat kay Gigi.