Did not receive money from cash in or bank transfer going to GCash
Kung hindi pa lumalabas ang pera sa GCash wallet mo, gawin muna itong steps:
Step 1: Check Transaction Status
Buksan ang bank o e-wallet app mo at i-check ang transaction history.
- Kung ang status ay "failed" o "pending", babalik yung money sa source account mo. Pwede itong umabot ng ilang minutes hanggang 3 banking days.
- Kung ang status ay "successful" at na-deduct na yung funds, mag-proceed sa Step 2.
Step 2: Check Transfer Details
-
Wrong GCash number?
Kung mali ang na-enter mong GCash number, i-contact ang bank o e-wallet mo. Dapat ma-accommodate nila yung request mo. -
Exceeded your GCash limit?
Kung lumagpas ang transfer amount sa daily or monthly limit mo, magfa-fail yung transaction. Babalik yung pera sa source account mo.
Still Haven't Received Your Money?
Kung na-check mo na lahat pero may issues pa rin, tap below.
What did you use to cash in?
Pwede kang humingi ng tulong sa cashier or outlet staff. Trained sila para ayusin ang cash in errors.
Para naman sa machines (TouchPay, CLiQQ) na walang staff, kumuha ka ng photo ng error at itabi mo yung receipt.
Kung kailangan mo pa ng tulong, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
Pwedeng tumagal ng ilang minutes hanggang 24 hours ang cash in.
Kung hindi pa rin dumarating ang pera after 24 hours, i-contact ang merchant directly. Sila ang pwede mag-check at makipag-coordinate sa GCash kung kailangan.
Kung nag-cash in ka gamit ang online banking o ibang e-wallet, i-check muna yung wait time.
Transfer Method & Wait Time:
- InstaPay: Usually instant, pero pwede umabot ng up to 2 hours sa busy times.
- PESONet: Within 1 banking day (kung before 3 PM). Yung transfers after 3 PM, weekends, o holidays, ma-pro-process ito sa next banking day.
Kung hindi pa rin dumarating yung money after sa expected time, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
US Bank: Kung hindi pa rin lumalabas yung cash in after 1 business day, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
EU/UK Bank:
- Laging gamitin ang GCash app para mag-cash in.
- I-check muna yung bank balance mo.
- Huwag i-click ang "Replay" o "Retry" sa bank app mo. Pwede itong mag-cause ng cash in problems. Contact your bank para sa refund.
- Kung may issues ka pa rin, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
Kung hindi pa dumarating ang funds from PayPal after 24-48 hours, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
Kung hindi mo natatanggap ang funds from Payoneer, mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.
Humingi ng tulong sa GPO partner. Dapat alam nila kung paano ayusin ang errors.
Need more help? Mag-log in sa GCash app, i-tap ang Help, tapos i-tap ang Chat with Gigi.