Paano makakuha at mag-collect ng green energy points sa GForest
Makatulong sa pagbabawas ng carbon footprint at suportahan ang environmental conservation sa pamamagitan ng pag-earn at pag-collect ng green energy points sa GCash. Bawat cashless transaction mo ay nag-contribute sa carbon reduction at nakakatulong para makaplanta ka ng puno sa GForest.
Paano mag-earn ng green energy points:
Ang green energy points ay kumakatawan sa total carbon na na-save ng mga users sa pamamagitan ng mga transactions tulad ng Send Money, Buy Load, at Pay Bills.
Ang points ay ma-credit within 24 hours pagkatapos mong makumpleto ang transaction.
Narito ang mga GCash transactions na makakatulong sa iyo na mag-earn ng green energy points, kasama ang kanilang monthly limits:
Paano mag-collect ng green energy points:
- Sa inyong GCash app, i-tap ang GForest.
- I-tap ang mga floating energy bubbles na makikita ninyo sa GForest homepage
- Kunin ang green energy mula sa mga friends sa pamamagitan ng pag-tap sa kanilang mga pangalan sa GForest dashboard.
Important reminders
Kung first time mong gumamit ng GForest, ang mga eligible transaction lang na ginawa sa loob ng nakaraang 72 oras ang lalabas sa dashboard mo.
Sa ngayon, hindi mo pwedeng i-unfriend ang GForest friends mo. Para hindi nila makuha ang energy mo, buksan ang GForest at i-collect ang energy mo 24 oras pagkatapos ng bawat transaction.
-
Hindi lumalabas ang energy bubbles sa fixed na oras. Karaniwan, lumalabas ang mga ito sa ganitong oras:
6:00 AM–7:00 AM
11:00 PM–12:00 MN
I-collect ang energy mo sa lalong madaling panahon. Mawawala ang mga bubble na hindi mo na-collect makalipas ang 72 oras.