Unable to Access or Manage Members
Gamitin ang guide na ito para ayusin ang common issues sa Members page, invitations, registration, roles, at account access. I-tap ang isang section sa ibaba para makita ang troubleshooting steps.
Members page access
Tanging admins ng Premium (Tier 3) at existing Tier 2 accounts lang ang makakapagbukas ng Members page. Tingnan kung:
Ginagamit mo ang tamang GCash for Business account.
Premium (Tier 3) o existing Tier 2 account ang account mo. Walang Members page ang Starter (Tier 1) accounts.
Merchant Super Admin o Merchant User Admin ang role mo.
Para buksan ang page, i-select ang dropdown sa tabi ng pangalan mo, i-select ang Profile, pagkatapos ay i-select ang Members sa left panel.
Pwede ka ring pumunta sa https://business.gcash.com/members.
Kung hindi mo pa rin mabuksan ang page, makipag-ugnayan sa merchantsupport@gcash.com.
Invitation issues
Tingnan kung:
Tama ang email address at nagiging gray chip ito pagkatapos mong i-select ang +.
Hindi ka nagdadagdag ng higit sa 15 email address.
Wala pang GCash for Business account ang taong ini-invite.
Tingnan kung tama ang email address.
Sabihin sa invitee na tingnan ang spam o junk folder.
I-resend ang invitation mula sa three-dot menu.
Kung kailangan, i-cancel ito at magpadala ng bago.
Nag-e-expire ang invitations pagkalipas ng 24 oras.
Gumagana lang ang link para sa invited email address at nag-e-expire ito pagkalipas ng 24 oras. Sabihin sa Merchant Super Admin o Merchant User Admin na magpadala ng bagong invitation.
Registration issues
Naka-link ang invitation sa invited email address at hindi ito pwedeng i-share. Kung ibang email address ang gagamitin, magpa-send ng bagong invitation sa isang admin.
Hindi pwedeng idagdag sa ibang merchant account ang email address na may existing GCash for Business account. Tingnan ang invited email address o magpadala ng bagong invitation sa isang eligible na email address.
Ang pag-sign up ay gumagawa lang ng personal login. Kailangang i-invite ng Merchant Super Admin o Merchant User Admin ang parehong email address sa company account.
Role and page access issues
Agad dapat mag-take effect ang role changes, pero maaaring magkaroon ng maikling delay. Sabihin sa member na:
I-refresh ang browser.
Mag-log out at mag-log in ulit.
Tingnan kung tamang role ang na-assign.
Tingnan ang role ng member sa Members page, pagkatapos ay i-refresh ang browser. Kung magpapatuloy ang issue, sabihan ang member na mag-log out at mag-log in ulit.
Kapag na-remove ang nag-iisang role ng member, maba-block ang access nito. Kailangang mag-assign ng bagong role ang Merchant Super Admin o Merchant User Admin.
Admin lockout
Dapat may manatiling kahit isang Merchant Super Admin sa account. Kung na-remove ang lahat ng admins, makipag-ugnayan sa GCash for Business Merchant Support at ibigay ang:
Registered business name
Email address ng requester