GCash for Business application error
Kung naka-encounter ka ng error habang nag-a-apply para sa GCash for Business, i-try muna ang mga step na ito:
- Kumpletuhin ang lahat ng required fields sa current page. Kung hindi ka makapagpatuloy, tingnan din ang mga naunang fields.
- I-refresh ang page at siguraduhing stable ang internet connection mo.
- Gumamit ng updated at supported browser. I-clear ang cache o sumubok ng ibang browser.
- Subukan ulit mamaya. Naka-save bilang draft ang progress mo, kaya pwede mong i-refresh ang page at bumalik sa application mo.
Still encountering an error?
I-tap ang scenario na match sa concern mo para malaman ang dapat gawin:
Kung hindi ka makapag-upload o makapag-edit ng document
- Tingnan kung pasok sa requirements ang file type at size.
- Kumpletuhin ang lahat ng required fields sa mga naunang step. Lumalabas lang ang ilang upload option pagkatapos mong makumpleto ang mga naunang step.
- Kung hinihingi pa rin ang document pagkatapos mong i-upload ito, o hindi gumagana ang download link para sa required form, i-refresh ang page at subukan ulit.
- Kung nagpapatuloy ang problema, kumuha ng screenshot ng error at makipag-ugnayan sa GCash for Business merchant support.
Kung nakikita mo ang “Pending Requirements” o may error kapag nagsu-submit
- Siguraduhing nakumpleto mo ang bawat section at na-upload ang lahat ng required documents.
- Kung may lumabas na error kapag nag-submit ka, itala ang eksaktong error message at kumuha ng screenshot.
- Subukang mag-submit ulit pagkatapos ng ilang sandali.
Kung hindi mo ma-access ang portal
- Buksan ang GCash for Business Portal.
- Siguraduhing naka-sign in ka gamit ang tamang account.
- Subukan ulit gamit ang stable na internet connection at updated, supported browser.
Kung may issue sa Starter Wallet
- Not qualified for Tier 1: Maaaring hindi pasok ang account mo sa verification, account age, o risk requirements. Mag-apply na lang para sa Premium Wallet.
- GCash account does not exist: Tingnan ang mobile number mo at siguraduhing fully verified ang GCash account mo.
- No Tier 1 OTP: Tingnan ang internet connection mo at humingi ng bagong code.
- Account already has a record: Maaaring naka-link na ang account mo sa isang GCash for Business account.
Need more help?
Makipag-ugnayan sa GCash for Business merchant support.
Isama ang:
- Business name
- Registered email address
- Maikling description ng issue
- Petsa at oras ng issue, kung mayroon
- Screenshot o reference number, kung mayroon