GCash for Business application was returned or rejected
Kung na-return o na-reject ang application mo, i-tap ang situation na applicable sa iyo para malaman ang susunod na gagawin.
Maaaring malabo ang isang document o hindi match ang details mo.
- Tingnan ang email para malaman ang dahilan.
- Buksan ang application mo sa GCash for Business Portal.
- Tingnan ang naka-flag na items.
- Ayusin ang errors.
- I-submit ulit ang application.
Hindi mo mae-edit ang ilang approved sections.
Hindi mo maipagpapatuloy sa portal ang rejected application.
Sa tingin mo ay mali ito? Makipag-ugnayan sa GCash for Business support. Itanong kung bakit na-reject ang application mo.
Isama ang:
- Business name
- Application details
May ilang business na nangangailangan ng special permits o certificates.
Kung may nawawalang required document o hindi ito applicable sa business mo, makipag-ugnayan sa GCash for Business merchant support para ma-review. Huwag mag-upload ng unrelated documents.
Helpful tip
Para makatulong na maiwasan ang returned application:
- Gumamit ng malinaw, kumpleto, at hindi expired na documents.
- Gamitin ang parehong details sa lahat ng documents at sa application mo.