Auto Settlement
Ang Auto Settlement ay isang GCash for Business feature na automatic na nagpapadala ng mga nakolektang payments diretso sa nominated bank account mo para hindi mo na kailangang mag-transfer nang manual.
Sino ang pwedeng gumamit nito?
Available ito para sa malalaking negosyo na may matataas na sales volume.
Para mag-apply, kontakin ang iyong Account Manager para masimulan ang setup at activation.
Ano ang sakop nito?
Kasama sa daily payout mo ang mga payments na nakolekta noong nakaraang araw mula sa:
- GCash QR
- Credit at debit cards
Payout Schedule
- Monday to Friday: Idedeposito kada banking day.
- Weekends at holidays: Idedeposito sa susunod na banking day.
Important Reminders
- Isang bank account: Pwede kang pumili ng isang (1) bank account kung saan papasok ang payouts mo.
- Pagpapalit ng bank: Mag-submit ng Merchant Change Request Form sa pamamagitan ng iyong Account Manager.
- Daily reports: Makakatanggap ka ng Settlement Report via email araw-araw para mas madaling ma-track ang iyong sales.