Ano ang GCash for Business onboarding process?
Ang onboarding ay pag-set up ng GCash for Business account. Ito ay ginagawa online at ang mga steps ay naka-depende sa iyong wallet tier.
Onboarding steps
- Gumawa ng account. Gamitin ang official work email mo. Tingnan kung paano gumawa ng GCash for Business account.
- Kumpletuhin ang business profile. Gagamitin ng portal ang mga sagot mo para mag-suggest ng wallet tier.
- Pumili ng onboarding path. Pwede ang self-service o agent-assisted onboarding,kung eligible ka.
- Pumili ng wallet tier. Pumili ng Starter o Premium. Ibigay ang required details at documents. Alamin ang GCash for Business wallet tiers.
- Tanggapin ang terms at i-submit ang application.
- Hintayin ang approval. Gagawin ang wallet pagkatapos ma-approve.
Paano mag-onboard sa GCash for Business?
I-tap ang path sa ibaba para malaman kung paano ang process.
Self-service onboarding
Ikaw ang gagawa ng mga step sa portal.
Para kanino: Lahat ng merchants
Mga step
- Buksan ang GCash for Business Portal at mag-register.
- Kumpletuhin ang business profile.
- Pumili ng wallet tier at ibigay ang required details o documents.
- Tanggapin ang terms at i-submit ang application.
Pwede mong kumpletuhin ang mga steps at your own pace.
Agent-assisted onboarding
GCash agent ang gagawa ng form at mag-a-upload ng documents para sa iyo.
Para kanino: Larger enterprises na may Premium Wallet approval.
Mga step
- Makipag-ugnayan sa Account Manager mo. I-send ang business details at documents.
- Gagawa at i-submit ng GCash team ang application mo.
- Dadaan ang application mo sa standard review.
- Pag na-approve na, i-accept ang user nomination email para ma-set up ang account access mo.
- Hintayin ang welcome email.
Ano ang kailangan mong gawin
- Mag-send ng kumpleto at tamang documents.
- Sumagot agad kung may kailangang ayusin o palitan na document.
- I-accept ang user nomination para magkaroon ng access ang team mo sa account.
Gaano katagal ang onboarding?
- Starter: Usually nagagawa ang wallet sa loob ng 10 minutes.
- Premium: Gagawin ang wallet pagkatapos ma-review at ma-approve ang documents.
Need more help?
Kung kailangan mo pa ng tulong, makipag-ugnayan sa GCash for Business merchant support.
Isama ang:
- Business name
- Registered email address
- Maikling paliwanag ng issue
- Screenshot o reference number, kung mayroon