Ano ang Wallet Dashboard sa GCash for Business?
Ang Wallet Dashboard ay ang home page ng GCash for Business Portal. Magkikita mo ito pagka-log in mo, at makikita rito ang mahahalagang details tungkol sa iyong negosyo.
Paano buksan ang aking Wallet Dashboard?
- Pumunta sa GCash for Business Portal. Mag-log in gamit ang iyong business email at password.
- Kumpletuhin ang OTP verification kung hihingin.
- Automatic na magbubukas ang Wallet Dashboard.
- Para bumalik dito, piliin ang Wallet o Dashboard/home sa menu sa kaliwa.
Ano ang makikita ko sa Dashboard?
- Business name: Ang pangalan ng negosyo mo base sa iyong onboarding.
- Wallet Account Number: Ang iyong 15-digit business account number. Ito ang pagkakakilanlan ng iyong wallet, at pwede itong gamitin ng iba para magpadala sa iyo ng pera gamit ang mga supported interbank transfer channels.
- Available balance: Ang cleared funds na pwede mo nang i-transfer.
- Fund breakdown: Ang mga successful transactions para sa araw na ito. Pwede mo itong tingnan base sa status o produkto.
- Transaction snapshot: Ang huling 15 transactions mo ngayong araw. Makikita ang lahat ng transactions sa Transactions module.
Note: Makikita sa timestamp sa itaas kung kailan huling na-update ang data ng iyong wallet.
FAQs
Sino ang pwedeng makakita ng Dashboard?
Kahit sinong may access sa account ay makakakita ng Wallet Dashboard at ng balance. Pwede itong i-view ng lahat ng roles, pero pili lang na roles ang pwedeng mag-transfer ng funds.
Ano ang dapat kong gawin kung blanko ang Dashboard?
- I-refresh ang page.
- Mag-log out, tapos mag-log in ulit.
- Gumamit ng updated at supported browser na may stable na internet connection.
Need more help?
Kung naka-encounter ka ng issue, kontakin ang GCash for Business merchant support.
Isama ang:
- Business name
- Registered email address
- Malinaw na detalye ng issue
- Screenshot o reference number (kung meron)