Paano mag-transfer ng funds mula sa aking GCash for Business wallet?
Pwede kang magpadala ng pera mula sa iyong GCash for Business wallet papunta sa ibang GCash for Business merchant, o sa isang bangko o e-wallet gamit ang PESONet.
Instant ang transfers kapag papunta sa ibang merchant, by batch naman kung via PESONet.
Bago ka magsimula
- Para sa Premium Wallet, kailangan mo ng Merchant Super Admin role.
- Siguraduhing may sapat kang available balance at pasok ang halaga sa iyong wallet limit.
- Pwede ka lamang mag-transfer sa isa pang GCash for Business merchant (hindi sa personal GCash account).
- Libre ang PESONet transfers.
Paano mag-transfer ng funds
Piliin ang option na applicable sa iyo:
- Mag-log in. Sa iyong Wallet Dashboard, piliin ang Transfer Funds o Send To.
- Piliin ang Merchant bilang recipient type.
- Ilagay ang mga detalye ng recipient at ang halaga na ipapadala. Siguraduhing pasok ito sa iyong available balance at tier limit.
- Piliin ang transfer purpose.
- I-review ang mga detalye.
- Ilagay ang OTP.
- Pindutin ang Submit. Mapo-process ang transfer nang real-time.
- Mag-log in. Sa iyong Wallet Dashboard, piliin ang Transfer Funds o Send To.
- Piliin ang Bank bilang recipient type.
- Ilagay ang bank o e-wallet details at ang halagang ipapadala.
- I-review ang mga detalye. Siguraduhing tama ang recipient details.
- Ilagay ang OTP.
- Pindutin ang Submit.
Pagkatapos mong mag-submit
- Success means your wallet was debited.
- You will receive an email confirming the debit.
- The transfer will appear in Transactions.
FAQs
Instant ang dating kapag merchant-to-merchant. Kung via PESONet naman, pa-batch ang pagpapadala ng funds kaya posibleng kailanganing maghintay ng recipient sa susunod na batch schedule.
Para sa dagdag na impormasyon, basahin ang article na ito.
I-check kung ang status ng transfer ay Success. Maghintay muna ayon sa kasalukuyang PESONet batch cycle. Kung hindi pa rin ito dumarating, tingnan kung ano ang pwede mong gawin.
Need more help?
Kung nagpapatuloy ang problema, kontakin ang GCash for Business merchant support.
Isama ang:
- Business name
- Registered email address
- Clear description of the issue
- Screenshot or reference number, if available