Ano ang Auto-Settlement?
Ang Auto-Settlement ay isang GCash for Business feature na automatic na nagpapadala ng mga nakolektang payments diretso sa nominated bank account mo para hindi mo na kailangang mag-transfer nang manual.
Sino ang pwedeng gumamit nito?
Available ito para sa malalaking negosyo na may matataas na sales volume.
Para mag-apply, kontakin ang iyong Account Manager para masimulan ang setup at activation.
Ano ang sakop nito?
Kasama sa daily payout mo ang mga payments na nakolekta noong nakaraang araw mula sa:
- GCash QR
- Credit at debit cards
Payout Schedule
- Monday to Friday: Idedeposito kada banking day.
- Weekends at holidays: Idedeposito sa susunod na banking day.
Important Reminders
- Isang bank account: Pwede kang pumili ng isang (1) bank account kung saan papasok ang payouts mo.
- Pagpapalit ng bank: Mag-submit ng Merchant Change Request Form sa pamamagitan ng iyong Account Manager.
- Daily reports: Makakatanggap ka ng Settlement Report via email araw-araw para mas madaling ma-track ang iyong sales.