Digital QR
Ang Digital QR ay isang libreng feature sa GCash for Business Portal. Pinapayagan nito ang merchants na gumawa ng QR code para sa bawat physical store branch.
Pwede mo itong gamitin habang hinihintay ang QR stand o terminal mo. Kapag dumating na ang physical device, pwede pa ring gamitin ang Digital QR bilang backup.
Paano i-download ang Digital QR mo
- Mag-log in sa GCash for Business Portal.
- Pumunta sa Digital QR.
- Pumili ng branch.
- I-click ang Generate Digital QR.
- I-download ang PDF o i-print agad ito.
Printing tips
- Gumamit ng dark printer ink
- I-print sa letter-size paper
- Huwag i-resize o i-stretch ang QR code
- Gumamit ng matte paper para mabawasan ang glare
- Ilagay ang QR kung saan madali itong ma-scan ng customers
FAQs
Setup at QR details
Hindi. Ang ipapakita sa QR code ay ang Merchant Name sa GCash merchant profile mo, hanggang 25 characters.
Kailangan ito para sa security, customer trust, at PPMI compliance.
Hindi. Isang active Digital QR lang ang pinapayagan bawat branch.
Kung maraming counters ang isang branch, kailangan nilang mag-share sa isang QR code o hintayin ang physical terminals.
Gagana pa rin ang Digital QR mo at pwede mo pa rin itong gamitin bilang backup.
Hindi ka makakagawa ng bagong QR code para sa parehong branch, pero pwede mo pa ring tingnan ang QR code na nagawa na dati.
Ang existing QR code lang ang ipinapakita ng system para masigurong papasok pa rin sa tamang wallet ang mga bayad.
Pwede mong i-re-download ang nagawang QR anumang oras.
Tandaan na magkaiba ang pag-re-download sa paggawa ng bagong QR code.
Payments at transactions
Ang MDR ay sumusunod sa Scan-to-Pay service rate mo sa ilalim ng In-Store Payments Terms and Conditions. Ang default rate ay 1.0%.
Ang mga bayad gamit ang Digital QR ay nake-credit nang real time sa GCash for Business wallet ng merchant.
Pwedeng tingnan ng cashiers o store managers ang Transactions tab sa GCash for Business Portal nang real time.
Pwede mong tingnan ang timestamp, reference number, at amount sa transaction history para matukoy ang bawat payment.
Refunds at payment issues
- Mag-log in sa GCash for Business Portal bilang portal admin.
- Pumunta sa Transaction tab at kunin ang transaction reference number.
- Mag-email sa GCash Merchant Support at ilagay ang transaction reference number.
- Tingnan ang transaction history ng customer sa app nila at kumpirmahing ipinadala ang bayad sa eksaktong legal merchant name mo.
- Kung na-charge ang customer pero hindi lumalabas ang payment sa portal mo, huwag munang ibigay ang biniling item o goods.
- Sabihan ang store manager na mag-email sa GCash Merchant Support at ilagay ang 13-digit Transaction Reference ID ng customer.