GCash PocketPay
Ang PocketPay ay isang madaling gamiting payment solution na nagbibigay-daan sa businesses na tumanggap ng card payments gamit ang NFC-enabled smartphones. Dahil dito, mas mabilis at simple ang pagbabayad para sa iyo at sa customers mo.
Get Started with PocketPay
- Card Payment Acceptance: Pwedeng tumanggap ang merchants ng card payments gamit ang kanilang NFC-enabled Android phones, kaya portable ito para sa on-the-go transactions.
- Secure Login: Pwedeng mag-log in ang merchants sa PocketPay app gamit ang email o phone number nila na may one-time password (OTP) para sa mas pinatibay na security.
- Flexible Receipt Options: May option ang merchants na makatanggap ng receipts via email.
- Transaction Management: Pwedeng i-manage ng merchants ang command actions, kasama ang pag-process ng returns o refunds, nang direkta sa mobile platform.
- Verified GCash for Business Account: Kung wala ka pa nito, mag-register para sa GCash for Business account. Kailangan ito dahil naka-link ang PocketPay sa iyong GCash for Business account.
- Android-only NFC: Gumagana lang ang solution na ito sa Android NFC-capable devices. Siguraduhing naka-enable ang NFC sa phone settings mo.
- Latest version ng Android: Para i-check ang Android version ng phone mo, pumunta sa Settings > About Phone > Software information.
- Buksan ang Google Play Store at i-search ang “GCash PocketPay” (case sensitive) at i-download ang app.
- Mag-log in sa PocketPay App gamit ang GCash for Business email o phone number mo.
- Ilagay ang OTP.
Paggamit ng PocketPay
May tatlong options ka para tumanggap ng payment:
(1) Fast Sale: Kapag nagmamadali at/o may bagong produktong ibinebenta na wala sa catalog
- I-click ang “Sale” mula sa main screen
- Ilagay ang transaction amount
- Sabihan ang customer na i-tap ang card sa likod ng phone
- Sabihan ang customer na hawakan muna ang card hanggang lumabas ang screen na nagsasabing "You can now remove your card" gaya ng nasa ibaba
- Kapag successful na, makikita mo ang confirmation screen at receipt
- Tanungin ang customers kung gusto nila ng copy ng receipt
- Kung oo, i-tap ang “Get receipt” at piliin ang “Send to email”
- Ilagay ang email address ng user at kumpirmahin
- Makakatanggap ang user ng copy ng receipt via email
(2) Add Product: Kung naka-configure na sa catalog ang lahat ng available products
- I-click ang "Sale" mula sa main screen
- Piliin ang “Product”
- I-search ang produkto
- Ilagay ang amount
- I-tap ang “Add” kung may isa pang item na bibilhin
- I-tap ang “Finish” kapag naidagdag na ang lahat ng items
- I-turn on ang “Inventory Acceptance” para mabawas ang nabentang items mula sa inventory
- Piliin ang “Tap on phone”
- Sabihan ang customer na i-tap ang card sa likod ng phone at hintayin ang instruction na alisin ang card
- Tanungin ang customers kung gusto nila ng copy ng receipt
- Kung oo, i-tap ang “Get receipt” at piliin ang “Send to email”
- Ilagay ang email address ng user at kumpirmahin
- Makakatanggap ang user ng copy ng receipt via email
(3) Custom Item: Kung isa o higit pang produktong kinuha ay wala pa sa catalog
- I-click ang "Sale" mula sa main screen
- Piliin ang “Custom item”
- Ilagay ang product description
- Ilagay ang amount
- Piliin ang “Tap on phone”
- Sabihan ang customer na i-tap ang card sa likod ng phone at hintayin ang instruction na alisin ang card.
- Tanungin ang customers kung gusto nila ng copy ng receipt
- Kung oo, i-tap ang “Get receipt” at piliin ang “Send to email”
- Ilagay ang email address ng user at kumpirmahin
- Makakatanggap ang user ng copy ng receipt via email
- I-tap ang “Sales returns”
- Pumili ng specific transaction
- I-tap ang “Return sale”
- Sabihan ang customer na i-tap ang card sa likod ng phone at hintayin ang instruction na alisin ang card
- Sabihan ang customer na ipino-process na ang return at dapat itong mag-reflect sa bank account ng customer sa loob ng susunod na ilang araw
Paano magdagdag ng bagong produkto
I-click ang “Products” at ilagay ang detalye ng produkto
-
Pagkatapos maglagay ng mga produkto, pumunta sa "Inventory" para:
Accept Inventory: Magdagdag ng product quantities
Inventory: I-manage ang end-of-day stock levels
Paano mag-accept ng inventory
- I-tap ang “Inventory”
- I-tap ang “Accept Inventory”
- I-tap ang “Add,” pagkatapos ay i-tap ang “Product”
- I-search ang produkto at i-click ito para i-edit ang quantity at price. I-tap ang “Add to document” kapag final na
- I-tap ang “Accept” at “Finish” kapag tapos na
Need more help?
Login at account access
I-check muna ang mga sumusunod:
- Siguraduhing ginagamit mo ang mobile number na naka-link sa GCash for Business account mo, hindi ang personal GCash number mo.
- Isang active device lang ang pinapayagan ng PocketPay nang sabay-sabay. Mag-log out muna sa luma mong device bago gumamit ng bago.
- Valid lang ang OTPs nang 5 minuto. Mag-request ng bagong OTP kung expired na ang sa iyo.
- Siguraduhing updated ang GCash PocketPay app sa Google Play.
Kung magpatuloy ang issue, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang GCash for Business mobile number at Terminal ID (TID) mo.
- Sa luma mong phone, buksan ang PocketPay at pumunta sa Settings > Log out.
- I-install ang GCash PocketPay sa bagong device mo mula sa Google Play.
- Mag-log in gamit ang registered GCash for Business number mo at ilagay ang OTP.
Kung nawala o hindi na magamit ang luma mong phone, makipag-ugnayan sa partner support para i-deactivate ang nakaraang device session.
Pwedeng mangyari ito kung:
- Nag-fail ang verification ng GCash for Business account mo.
- May pending compliance requirements ka.
- Na-flag para sa review ang transactions mo.
Mag-email sa merchantsupport@gcash.com kasama ang business name, mobile number, at TID mo para maimbestigahan ito ng team.
Para ma-block ang PocketPay sa nawala mong phone, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang mga sumusunod:
- Wallet Account Number (WAN)
- Terminal ID (TID)
- Device o phone model
Ihanda ang mga sumusunod bago ka mag-email sa partnersupport@gcash.com:
- Mobile number na naka-link sa PocketPay account
- Email na ginamit para sa GCash for Business account mo
- Wallet Account Number (WAN)
- Terminal ID (TID)
- Device o phone model
- Dahilan ng pag-delete ng account
Kapag na-delete na, kakailanganin mong i-link ulit ang account mo kung gusto mong gamitin ang PocketPay sa hinaharap. Ire-review ang request mo, at pwedeng ma-update ang profile mo sa loob ng 3 araw. Makakatanggap ka rin ng SMS confirmation sa GCash-registered number mo.
Card at payment issues
Subukan ang mga steps na ito:
- Siguraduhing naka-turn on ang NFC sa phone settings mo.
- Sabihan ang customer na i-tap nang flat ang card sa likod ng phone, malapit sa gitna.
- Alisin ang anumang makapal na phone case na pwedeng humarang sa NFC signal.
- Sumubok ng ibang card para ma-check kung sa card o sa device ang issue.
- I-restart ang PocketPay app at subukan ulit.
May ilang battery saver modes na pwedeng mag-turn off sa NFC. I-check ang battery optimization settings mo kung kinakailangan.
Kung magpatuloy ang issue, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang GCash for Business mobile number at TID mo.
I-check ang error na lumalabas sa app:
- Insufficient funds: Sabihan ang customer na gumamit ng ibang card o payment method.
- Card blocked or restricted: Sabihan ang customer na makipag-ugnayan sa card issuer nila o gumamit ng ibang card.
- Network error: I-check ang internet connection mo at subukan ulit. Kung kinakailangan, i-restart ang app.
- Card not supported: Visa at Mastercard lang ang tinatanggap ng PocketPay. Hindi pa supported ang JCB at Amex.
Laging sabihin sa customer ang eksaktong decline reason na ipinapakita sa app.
NFC tap payments lang ang sinusuportahan ng PocketPay. Hindi available ang manual card entry.
Sabihan ang customer na gumamit ng:
- Ibang contactless-enabled card
- QR payment
Huwag munang ipapa-tap ulit ang customer agad. Pwede itong magresulta sa duplicate charge.
- Maghintay nang at least 30 segundo.
- I-check ang Transaction History para makita kung na-record ang transaction.
- Kung hindi ito lumabas pagkalipas ng 2 minuto, pwede mong subukan ulit ang payment.
- Kung lumabas ito pero walang naipadalang receipt, i-resend ang receipt mula sa transaction record.
Kung magkaroon ng duplicate charge, mag-process agad ng return at ipaalam sa customer.
Na-ka-capture lang ang payment kapag lumabas na ang successful confirmation screen. Kung walang lumabas na confirmation screen, hindi na-charge ang tap.
Kapag nakabukas na ulit ang phone mo, i-check ang Transaction History. Kung may pending hold sa bank ng customer pero walang record sa PocketPay, makipag-ugnayan sa merchantsupport@gcash.com para ma-validate ang transaction.
- Pumunta sa Transaction History at hanapin ang transaction.
- Kung mas malaki sa tamang amount ang na-charge mo, mag-process ng partial refund para sa difference.
- Kung mas mababa sa tamang amount ang na-charge mo, gumawa ng bagong transaction para sa natitirang balance.
Hindi supported ang post-transaction adjustments.
Hindi. Hindi sinusuportahan ng PocketPay ang balance inquiry.
Returns at refunds
Kinakansela ng reversal o void ang isang transaction bago matapos ang araw habang pending pa ito. Pinipigilan nitong ma-finalize ang charge at hindi na mapo-post ang funds sa account ng customer. Applicable ito sa parehong card at QR transactions.
- Buksan ang PocketPay at pumunta sa Return.
- Piliin ang transaction na gusto mong i-reverse.
- I-tap ang Return at i-reverse ang buong amount.
- Kumpirmahin ang action.
Kung nagbigay ng email address ang customer, ipapadala sa kanila ang reversal receipt. Karaniwang nagre-reflect ang reversals sa loob ng 1 hanggang 2 business days, depende sa issuing bank.
Ibinabalik ng refund ang funds pagkatapos ma-settle ang transaction at nabayaran na ang merchant. Hindi na pwedeng i-void ang settled transactions at kailangan na itong i-refund.
Para sa card transactions, pwede mong i-refund ang customer base sa store policy mo gamit ang:
- Cash o bank transfer
- GCash for Business via PesoNet sa portal
Para sa QR transactions, mag-email sa merchantsupport@gcash.com at sabihan ang customer na mag-file ng ticket sa kanilang bank o e-wallet app.
Refund timelines:
- GCash QR payments: 1 hanggang 2 working days
- QRPh payments: 8 hanggang 10 working days
Pwedeng mag-fail ang reversal kung:
- Wala na sa same-day return window ang transaction.
- Nagkaroon ng network issue habang nagpo-process.
- Na-reverse na ang transaction.
Kung wala sa mga ito ang dahilan, mag-email sa merchantsupport@gcash.com kasama ang transaction ID, date, at amount.
Hindi. Dapat laging para sa buong transaction amount ang reversals.
I-check muna ang Transaction History para makita kung na-record ang reversal. Kung wala roon, subukan ulit.
Kung magpatuloy ang issue, sabihan ang customer na i-file ito sa kanilang issuing bank at ibigay ang mga sumusunod:
- Authorization code
- Card number
- Amount
- Transaction date at time
- RRN o STAN
Settlement at account maintenance
Sumusunod ang PocketPay card transactions sa T+2 business day cycle. Ibig sabihin, ang transactions na ginawa ngayon ay mase-settle pagkalipas ng dalawang business days, hindi kasama ang weekends at holidays. Idinedeposit ang settlements sa iyong GCash for Business merchant wallet.
I-check muna ang mga sumusunod:
- Siguraduhing Approved ang transaction status. Hindi kasama sa settlement ang pending o declined transactions.
- I-check kung lumipas na ang T+2 settlement period.
- I-verify na tama at active ang bank account details mo sa GCash for Business portal.
Kung kulang pa rin ang amount, mag-email sa partnersupport@gcash.com kasama ang transaction ID, date, amount, at screenshot ng transaction record.
Kung mag-dispute ng transaction ang customer sa bank nila, pwedeng makipag-ugnayan sa iyo ang disputes team para sa supporting documents.
Ihanda ang mga sumusunod:
- Transaction ID
- Transaction date
- Transaction amount
- Anumang customer acknowledgment, gaya ng email receipt
Makikipag-coordinate ang GCash sa card network at pwedeng humingi ng karagdagang dokumento kung kinakailangan.
Una, i-check kung mayroon nang ganoong group o inventory item.
Kung magpatuloy ang issue, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang Terminal ID (TID) at Wallet Account Number (WAN) mo.
Device at app issues
Kailangan ng PocketPay ang mga sumusunod:
- Android 11 o mas bago
- Built-in NFC chip
- Active internet connection gamit ang mobile data o Wi-Fi
Hindi supported ang PocketPay sa iPhone.
Pwedeng gumana ang PocketPay sa Android tablets na may NFC support, pero naka-optimize ito para sa smartphones. Pwedeng mag-iba ang performance at tap positioning depende sa device.
Subukan ang mga steps na ito:
- Isara ang app at buksan ito ulit.
- I-restart ang phone mo.
- Siguraduhing updated ang app.
- I-restart ang app at subukan ulit.
Kung magpatuloy ang issue, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang Terminal ID (TID) at Wallet Account Number (WAN) mo.
Subukan ang mga steps na ito:
- I-update ang GCash PocketPay app mula sa Google Play kung may mas bagong version na available.
- I-clear ang app cache: Settings > Apps > PocketPay > Storage > Clear Cache.
- I-restart ang phone mo at buksan ulit ang app.
Kung magpatuloy ang issue, mag-email sa partnersupport@gcash.com at ilagay ang phone model at Android version mo.