Merchant Discount Rate (MDR)
Ang Merchant Discount Rate (MDR) ay isang maliit na percentage fee na ibinabawas sa bawat successful GCash for Business payment bago ito ipadala sa bank mo. Sinasaklaw ng fee na ito ang gastos para sa:
- Secure payment gateway maintenance
- Bank at card network processing fees
- Platform support at daily settlement services
MDR rates bawat payment method
| Payment method | MDR (VAT-inclusive) |
|---|---|
| Credit & Debit Cards (Mastercard/Visa) | 3.2% |
| QRPH (e-wallets / banking apps) | 1.0% |
Paano china-charge ang MDR
- Nagbabayad ang customer gamit ang card o QRPH.
- Awtomatikong ibinabawas ang MDR mula sa amount.
- Ang natitirang amount ay ise-settle sa registered bank account mo.
Mga halimbawa
- Card: PHP 1,000 − 3.2% (PHP 32) = PHP 968 ang mapupunta sa iyo
- QRPH: PHP 1,000 − 1.0% (PHP 10) = PHP 990 ang mapupunta sa iyo
Paalala: Awtomatikong ibinabawas ang MDR bawat transaction; hindi mo ito babayaran nang hiwalay o sa pamamagitan ng monthly billing.
Important reminders
- China-charge ang MDR bawat successful transaction.
- Walang setup o monthly MDR fee, maliban na lang kung nakasaad sa merchant contract mo.
- Nagtapos ang Zero MDR promo para sa PocketPay noong December 4; pagkatapos noon, ang standard rates na 3.2% para sa cards at 1.0% para sa QRPH ang applicable.
- Makikita mo ang MDR at net amounts sa iyong GCash for Business Dashboard sa ilalim ng Transactions.