Paano gumawa ng GTourist account sa GCash
Traveling to the Philippines? Gumawa ng GTourist account sa GCash para makapagbayad sa mga stores sa buong bansa.
Mga dapat malaman tungkol sa GTourist
- Dapat 18 years old pataas ka.
- Kailangan mo ng non-Philippine mobile number o SIM para makapag-sign up.
- Pwede kang gumawa ng account bago dumating sa Pilipinas, pero maa-activate lamang ito kapag nasa Pilipinas ka na.
- Valid ang iyong account sa loob ng 30 araw at automatic na made-deactivate pagkatapos nito.
- Para sa basic account, kailangan mo lang ng valid na Visa o Mastercard credit o debit card na nakapangalan sa iyo.
- Para sa fully verified account, kailangan mo ang iyong foreign passport.
- Kasalukuyang available ang GTourist sa mga piling bansa. Unti-unti naming itong iro-roll out sa mas marami pang bansa. Tingnan sa ibaba ang listahan ng mga bansang kung saan available ang GTourist.
| Albania | Germany | Oman |
| Algeria | Ghana | Pakistan |
| Andorra | Greece | Panama |
| Angola | Guatemala | Papua New Guinea |
| Argentina | Guyana | Peru |
| Australia | Honduras | Poland |
| Austria | Hong Kong SAR | Portugal |
| Bahamas | Hungary | Qatar |
| Bahrain | Iceland | Romania |
| Bangladesh | India | Rwanda |
| Barbados | Indonesia | Saudi Arabia |
| Belarus | Ireland | Senegal |
| Belgium | Israel | Serbia |
| Belize | Italy | Seychelles |
| Bhutan | Jamaica | Singapore |
| Bolivia | Japan | Slovenia |
| Bosnia and Herzegovina | Jordan | South Korea |
| Botswana | Kazakhstan | Spain |
| Brazil | Kuwait | Sri Lanka |
| Brunei | Latvia | Sweden |
| Cambodia | Lebanon | Switzerland |
| Canada | Lithuania | Taiwan |
| Chile | Luxembourg | Tajikistan |
| China | Macau SAR | Thailand |
| Colombia | Madagascar | Trinidad and Tobago |
| Costa Rica | Malawi | Tunisia |
| Cyprus | Malaysia | Turkey |
| Czech Republic | Maldives | Turkmenistan |
| Denmark | Malta | Uganda |
| Dominican Republic | Mongolia | United Arab Emirates |
| Ecuador | Montenegro | United Kingdom |
| Egypt | Morocco | United States |
| Estonia | Nepal | Uruguay |
| Fiji | Netherlands | Uzbekistan |
| Finland | New Zealand | Zambia |
| France | Nicaragua | Zimbabwe |
| Georgia | Norway |
Bago gumawa ng GTourist account
I-on ang location mo para ma-activate ang GTourist. Maa-activate ang account mo kapag nasa Philippines ka na, tapos na ang registration mo, at naka-on ang location sharing.
Paano gumawa ng GTourist account
- I-download ang GCash app mula sa App Store para sa iOS o Google Play para sa Android.
- Buksan ang app, ilagay ang iyong mobile number, at payagan ang pagbabahagi ng iyong lokasyon.
- Ilagay ang six-digit OTP na ipinadala sa iyong mobile number. Make sure na naka-enable ang roaming ng iyong SIM para matanggap ang code.
-
I-tap ang For Visiting Foreigners.
- Ilagay ang iyong personal na impormasyon ayon sa eksaktong nakalagay sa iyong passport, kabilang ang iyong middle name, if applicable.
- I-set ang iyong MPIN.
- Sa GCash Tourist Page, i-tap ang Link a Card para makapagsimulang magbayad sa mga stores sa Pilipinas.
- Ilagay ang mga detalye ng iyong Visa o Mastercard card.
- Kapag successful na na-link ang iyong card, mapupunta ka sa GCash Tourist Dashboard.
FAQs
Valid ang GTourist account mo nang 30 days mula sa date kung kailan ito na-activate kapag nag-log in ka habang nasa Philippines. Siguraduhing gamitin ang anumang natitirang funds sa GCash Wallet mo bago ma-deactivate ang account mo.
Pagkalipas ng 30 days, automatic na made-deactivate ang account mo at hindi mo na maa-access ang GCash Wallet mo.
Ang access sa GTourist sa mga susunod mong pagbisita ay nakadepende sa desisyon ng GCash.