Paano gamitin ang GTourist account sa GCash
Kapag nagawa at na-verify mo na ang iyong GTourist account, alamin ang wallet limits nito at kung paano gamitin ang GTourist para magbayad sa mga tindahang tumatanggap ng GCash.
Funding methods na available sa GTourist
-
Card Linking
- Bago i-link ang iyong card, makipag-ugnayan sa iyong card issuer o bangko to make sure na:
- Naka-enable ang online payments para sa mga online at e-commerce transaction.
- Naka-enable ang international o cross-border payments.
- Automatic na ginagamit ng GCash ang iyong primary linked card para sa mga direct pass-through payment.
- Para palitan ang iyong default payment card:
- Pumunta sa Profile > My Linked Accounts.
- Piliin ang Credit/Debit Cards.
- Piliin ang iyong gustong card.
- I-tap ang Set as Default.
- Bago i-link ang iyong card, makipag-ugnayan sa iyong card issuer o bangko to make sure na:
- Cash in via international banks and partners
- Cash in through PayPal
Important reminders
- Some fees may apply. For more information, click here.
- Nag-iiba ang processing time ng cash in depende sa funding method. Sundin ang instructions para sa napili mong method sa mga funding link sa itaas.
Mga feature at services na available sa GTourist
- Send money: Dapat ay Fully Verified user ka para makapagpadala ng pera.
- Scan to Pay via QR: Pwede kang magbayad sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code ng isang merchant sa Pilipinas.
GTourist Account Reminders
- Ang GTourist account mo ay may GCash wallet at transaction limits. Basahin ang tungkol sa limits dito.
- Kapag na-activate na, valid ang account mo for 30 days. After 30 days, automatic itong made-deactivate.