Paano mag-cash out ng funds sa GTourist account
Ang GTourist account ay valid ng 30 days mula pagdating mo sa Philippines. Makakakita ka ng message pag nag-log in ka sa app para i-remind ka tungkol dito.
What to do
- Gamitin ang funds sa GCash wallet mo bago mag-expire o ma-deactivate ang account mo.
- Para magamit, magbayad via QR Code sa mga stores na tumatanggap ng GCash payments.
- Para i-transfer ang natitirang funds sa isang foreign bank account o e-wallet:
- I-tap ang Transfer, pagkatapos ay i-tap ang International sa GCash app.
- Basahin ang terms, pagkatapos ay i-tap ang Submit.
- Ilagay ang currency, amount, at recipient type, pagkatapos ay i-tap ang Next.
- Ilagay ang detalye ng bangko at iba pang kinakailangang impormasyon. Siguraduhing tama ang format ng mga inilagay mo.
- Ilagay ang amount sa PHP.
-
I-check ang lahat ng detalye, pagkatapos ay i-tap ang Pay.
For more details, refer here.
Paalala:
Hindi mo magagamit ang GCash Tourist sa labas ng Philippines, kahit valid pa ang account mo sa loob ng 30-day validity period nito. Gamitin ang natitira mong balance bago ka umalis sa Philippines o bago ma-deactivate ang account mo.
What happens after 30 days
Ang GTourist account mo ay automatic na made-deactivate after 30 days.