Rejected GTourist Application
Kapag na-reject ang GTourist application mo, i-check ang app o SMS notification para makita kung ano ang reason.
Ito ang mga common issues at kung paano sila ma-fi-fix:
Siguraduhin na may access sa camera ang GCash app:
- Pumunta sa phone settings mo
- Hanapin ang GCash app
- I-enable ang camera access
Pwede ring blurry, madilim, o natatakpan ang selfie mo. Sundin ang tips na ito para sa perfect na selfie:
- Gumamit ng good lighting. Mag-selfie sa maliwanag na lugar.
- Pumili ng simple na background na walang ibang tao.
- Siguraduhin na malinaw at kita nang buo ang mukha mo. Alisin ang salamin o face mask.
- Sundin ang steps in-app (tulad ng pag-blink), at i-hold ayon sa instruction.
Pwede ka mag-submit ng panibagong application agad sa GCash app.
Pwede may problema sa passport photo mo o sa details na in-enter mo. I-check ang tips sa baba:
- Gamitin ang original at valid na passport (hindi expired).
- Siguraduhin na ang information sa passport mo ay exact match sa in-enter mo sa GCash app.
- Kunan ang photo sa maliwanag na lugar at iwasan gumamit ng flash.
- Siguraduhin na buong passport ay kita at malinaw (hindi cropped o blurry).
- Kunan ang photo na tama ang orientation (right side up).
Pwede ka mag-submit ng panibagong application agad sa GCash app.
Na-exceed mo na ang maximum number of attempts sa pag-submit ng application. Mag-resubmit ng application after 24 hours.
Posibleng hindi mo na-meet ang internal policy requirements. Mahalaga ang mga policies na ito para sa safety at compliance ng lahat ng GCash accounts.
Pwede mo ring subukan mag-verify ulit sa GCash app sa pamamagitan ng pag-tap ng Profile > Verify Now at siguraduhin na tama ang lahat ng details at documents.