Kailan ko matatanggap ang mga buy or sell orders ng GBonds?
Sa GBonds, pwede kang bumili at magbenta ng government bonds directly sa GCash app mo. Para ma-track mo nang maayos ang investments mo at ma-manage ang portfolio, kailangan mo lang maintindihan kung paano na-process ang orders mo at kung saan mo makikita ang status nila.
Mga dapat mong malaman tungkol sa GBonds order processing
Buy Orders
-
Secondary Market (Issued Orders):
- Nacha-charge ang GBonds account mo agad-agad.
- Napa-process ang order mo immediately.
- Makakakuha ka ng email tungkol sa purchase mo within 1–2 business days.
-
Primary Market (Pre-Sale products):
- Depende sa approval ng Bureau of the Treasury ang order mo.
- Puwede kang makakuha ng partial lang ng in-order mo kung kulang ang available na bonds.
- Makakakuha ka ng email na may exact amount na na-allocate sa’yo, at isa pang email kapag officially issued na ang bonds.
Sell Orders
- Ang sell orders ay ginagawa in real time.
- Pag successful ang sell, lalabas ang pera galing sa bonds mo sa GBonds wallet mo kaagad.
Paano i-check ang GBonds order status mo
- Buksan ang GCash app mo > tap GInvest.
- Tap GBonds > Transaction History o Portfolio.
- I-check ang order details at status mo.
Ano ang nangyayari sa GBonds orders mo
Successful Orders
- Kapag successful ang order mo, lalabas ang bonds sa portfolio mo with full details.
Partial Orders (Primary Market only)
- Para sa Pre-Sale bonds, minsan partial lang ng order mo ang na-a-approve.
- Kapag nangyari ito, ang hindi nagamit na amount ay automatic na babalik sa GBonds wallet mo.