Paano magbenta ng bonds sa GBonds
Kapag nagbenta ka ng bonds sa GBonds, ma-convert mo yung bonds pabalik sa funds na mapupunta sa GCash Wallet mo. Ang mga Issued Retail Treasury Bonds lang na available sa secondary market ang pwedeng ibenta bago pa mag-mature.
Paano maglagay ng Sell order sa GBonds:
- Sa inyong GBonds dashboard, i-tap ang GInvest > GBonds
- Pumunta sa Market page at piliin ang bond na gusto ninyong ibenta, tapos piliin ang Sell
- Ilagay ang amount na gusto ninyong ibenta, tapos i-tap ang Sell
- I-review ang details ng sell order ninyo at i-tap ang Confirm
Makikita ang confirmation page na nagsasabing nalagay na ang Sell order.
Ang GBonds funds ay ma-credit sa inyong GBonds wallet in real-time. Makakatanggap din kayo ng email notification sa loob ng 1 to 2 business days.