Paano gumawa ng GBonds account
Ang GBonds ay isang feature sa GCash app kung saan pwede kang mag-invest sa government bonds for as low as PHP 500.
Sino ang qualified gumamit ng GBonds
Qualified ka sa GBonds kung ikaw ay:
- At least 18 years old
- Fully Verified GCash user
- May verified email address
- GCash user na updated ang information sa nakaraang 3 taon
- Hindi US resident o citizen
- Wala pang existing GBonds account. Bawat user ay pwedeng mag-have ng 1 GBonds account lang
Mga steps para makapagsimula sa GBonds:
Sundin ang steps sa ibaba para makapag-create ng GBonds account:
- Sa iyong GCash app, i-tap ang GInvest > GBonds.
- Basahin ang mga nakalagay sa screens, tapos i-tap ang Proceed.
- I-fill out ang lahat ng required details, tapos i-tap ang Next.
- I-review ang iyong details at mga sagot. I-tap ang Confirm at Agree sa terms and conditions.
Pagkatapos mong i-tap ang Confirm, makakakita ka ng message na your application is being processed. I-tap ang Explore GBonds para makita ang GBonds dashboard.
Makakakuha ka ng isang email na nagsasabing ina-assess pa ang application mo, at isa pang email na may result within 1 business day.
Habang pending pa ang approval ng GBonds account mo, pwede mo nang gawin ang mga ito:
- I-view ang GBonds dashboard
- Top up
- Withdraw
- Mag-place ng buy orders para sa Retail Treasury Bonds sa Pre-Sale
Kapag approved ka, pwede ka nang mag-place ng buy at sell orders para sa ibang GBonds products.
Kapag rejected naman, pwede kang mag-apply ulit agad. Siguraduhin lang na maingat mong chine-check ang iyong details bago ka mag-submit ulit.