Available bonds on GBonds
Ang mga investment options sa GBonds ay Philippine government bonds. Ang mga investments na ito ay suportado ng Philippine government, kaya low-risk investments sila para sa mga baguhan at experienced investors.
Ang GBonds ay nag-ooffer ng dalawang klaseng government securities:
Treasury Bills (T-Bills)
Ang T-Bills ay short-term na government bonds. Bagay ito sa mga gusto ng mababang risk at maikling investment period.
- Time period: Mas mababa sa 1 year. Sa ngayon, 91-day T-Bills lang ang available sa GBonds.
-
Paano ka kumikita:
- Bibili ka ng T-Bills sa mas mababang presyo.
- Sa maturity, makukuha mo ang buong face value.
- Ang kinita mo ay yung difference ng binayad mo at ng amount na matatanggap mo sa maturity.
-
Kailan mo makukuha ang pera:
- Makukuha mo lang ang pera pagdating ng maturity.
- Hindi puwedeng magbenta nang maaga (early selling) ng T-Bills sa GBonds.
Kung mag-i-invest ka ng PHP 500 sa T-Bill na may 5.4% interest per annum (p.a.):
-
Gross Interest:
PHP 500 × (5.4% × (3 months ÷ 12 months)) = PHP 6.75 -
Withholding Tax (20%):
PHP 6.75 × 20% = PHP 1.35 -
Net Interest Earned:
PHP 6.75 − PHP 1.35 = PHP 5.40
Sa maturity, matatanggap mo ang principal mo plus ang interest: PHP 505.40.
Retail Treasury Bonds (RTBs)
Ang RTB32 ay isang long-term, peso-denominated, fixed-rate government bond na inisyu ng Republic of the Philippines through Bureau of the Treasury (BTr). Makakatanggap ka ng regular na kita mula sa quarterly interest payments sa loob ng 2.5-year term.
- Minimum investment: PHP 5,000. Ang dagdag na investment ay dapat tig-PHP 5,000.
- Coupon rate: 6.875% bawat taon.
- Time period: 2.5 years, mula sa Issue/Settlement Date na October 12, 2026 hanggang sa maturity date na April 12, 2029.
How you earn
- Regular na interest: Makakatanggap ka ng interest every 3 months. Direktang papasok ang interest sa iyong GBonds trading wallet.
- Money back at maturity: Makukuha mo ang original mong investment kapag nag-mature na ang bond, ayon sa applicable bond terms.
- Extra earnings or loss from early sale: Pwede mong ibenta ang RTB32 bago ang maturity date. Pwedeng mas mataas o mas mababa ang selling price kumpara sa original mong binayad, depende sa kasalukuyang market rates. Applicable processing fees may also apply.
Market options
- Primary Market (tagged “Pre-Sale”): Dito ka pwedeng bumili ng RTB32 during offer period, bago ang Issue/Settlement Date.
- Secondary Market (tagged “Issued”): Pagkatapos ng Issue/Settlement Date, pwede mong ibenta ang RTB32 bago ang maturity date. Pwedeng mas mataas o mas mababa ang matanggap mong halaga kaysa sa original mong investment dahil sa pagbabago ng market rates at applicable processing fees.
Availability
Available ang RTB32 during Public Offer Period, subject to availability.
- Offer Period (Pre-sale): September 29, 2026, at 2:00 PM to October 7, 2026, at 12:00 PM.
- Issue/Settlement Date: October 12, 2026.
- Maturity Date: April 12, 2029.
- Interest payments: Every quarter, at direktang papasok sa iyong GBonds trading wallet.
- Multiple orders: Pwede kang maglagay ng higit sa isang order kung sapat ang cash balance sa iyong GBonds wallet at available pa ang RTB32 habang may Public Offer Period.
Kung mag-iinvest ka ng PHP 5,000 sa RTB32 na may 6.875% annual interest at binabayaran ang interest kada 3 buwan:
-
Gross quarterly interest:
PHP 5,000 × (6.875% × (3 buwan ÷ 12 buwan)) = PHP 85.94
-
Withholding tax (20%):
PHP 85.94 × 20% = PHP 17.19
-
Estimated net quarterly interest:
PHP 85.94 − PHP 17.19 = PHP 68.75
-
Estimated total net interest sa loob ng 2.5 taon:
PHP 68.75 × 10 quarterly payments = PHP 687.50
Paalala: Sample lamang ito para ipakita kung paano kino-compute ang interest. Pwedeng mag-iba ang actual na halagang papasok dahil sa rounding, applicable tax rules, at iba pang deductions o fees.