Paano gamitin ang Send Money para magpadala ng pera sa ibang GCash account?
Paalala:
Kung isa kang iPhone 14, 15, o 16 user, posible kang makaranas ng errors o issues sa paggamit ng Express Send. Para alamin pa ang issue, click here.
Pwede kang magpadala ng pera sa ibang GCash account via GCash Express Send.
Bago ka magsimula, tignan muna ang Wallet and Transaction limits. Kung Non-Philippine Issued SIM ang gamit mo, pwede lang magpadala ng pera sa mga Fully Verified GCash users in the Philippines.
Sundan ang mga steps na ito para mag-Send Money:
- Sa GCash homepage, i-tap ang Send
- Piliin ang Express Send
- Ilagay ang GCash account ng recipient using QR, mobile number, o piliin ang country code at ilagay ang mobile number. Pindutin ang Next
- I-confirm kung tama ang mga details by checking the box. Piliin ang Send
Pagkatapos i-send, makakakita ka ng receipt ng transaction mo. Pwede mo din tignan ang confirmation sa GCash app inbox mo o Transaction History.
Tandaan na hindi na pwede i-refund ang confirmed transactions.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makapagpadala ng pera sa ibang GCash account. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera galing sa GCash ko papunta sa ibang GCash account, pero hindi daw ito natanggap ng recipient. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera sa maling GCash account o number via Express Send. Anong dapat kong gawin?