SIM Card Registration Frequently Asked Questions
Ano ang SIM Registration Act?
Required ng SIM Registration Act ang LAHAT ng SIM cards na maging registered sa kanilang telco providers bilang requirement sa kanilang activation. Ang registration na ito ay para protektado ang mga consumers mula sa mga illegal activities katulad ng mobile scams, smishing, at fraud.
Hanggang kailan pwedeng mag-register ng SIM ko?
Natapos ang registration sa telco providers noong July 25, 2023.
Anong mangyayari sa GCash account o wallet ko kapag hindi ko na-register ang SIM ko?
Mananatiling secure ang GCash account at funds mo. Pwede mong i-update ang mobile number na naka-link sa iyong GCash account para mabuksan muli ang GCash account mo na naka-link sa deactivated o unregistered SIM.
Nakatanggap ako ng email na magiging restricted ang GCash account ko at pinapalagay ang details ko. Anong dapat kong gawin?
Pwede lang i-collect at i-process ang mga SIM registrations sa channels na binigay ng mga telco providers. Hindi manghihingi ng kahit anong detalye ang GCash para sa telco provider.
Paalala na hindi magpapadala ang GCash ng links via SMS, emails, o kahit anong messaging apps. Tandaan na hindin din dapat i-share ang kahit anong GCash credentials katulad ng MPIN o OTP (One-Time PIN) sa kahit sino maliban nalang sa tuwing mag-lo-log in sa GCash app. Alamin kung paano mapapanatiling safe ang iyong account:
Kung sa palagay mo ay naging target ka ng phishing, alamin kung paano makikita at paano mag-report ng mga unauthorized transactions sa iyong account.
Anong mangyayari sa GCash account ko kung successful ang pag-register ko ng SIM sa aking telco?
Walang mababago sa iyong GCash account at patuloy mong magagamit ang lahat ng services ng GCash. Sinisigurado ng successful SIM registration na ang mobile number na naka-link sa iyong GCash account ay active pa rin.
Gusto kong palitan ang number ko. Paano ko malilipat ang funds ko sa bagong GCash account?
Pwede mong i-update ang mobile number na naka-link sa iyong GCash account para ma-recover ang GCash account na naka-link sa deactivated o unregistered SIM mo.
Siguraduhin na ang bagong mobile number ay naka-register na sa telco mo para masigurado ang pag-activate nito.
Kailangan ko bang i-register lahat ng SIM na naka-link sa mga GCash accounts ko sa telco providers nito?
Oo, kinakailangan na lahat ng SIM cards na naka-link sa GCash account ay naka-register sa telco provider ng mga ito.
May GCash Jr. account ang anak ko, required din ba siyang mag-register ng SIM card?
Lahat ng SIM cards ay kailangan i-register ayon sa SIM Registration Act. Para sa mga minors, ang registration ng SIM ay malalagay sa pangalan ng kanilang magulang o legal guardian.
Isa akong Foreign National (hindi Filipino) na may GCash account, required din ba akong mag-register ng SIM card ko?
Lahat ng SIM cards ay kailangan i-register ayon sa SIM Registration Act. Kasama sa SIM Registration process na ito ang mga Foreign Nationals.
Globe user ako na may Fully Verified GCash account. Anong mangyayari kapag hindi ko na-register ang SIM ko?
Bumisita sa Globe SIM Registration page para makita ang guidelines ng iyong Telco SIM Registration.
Para sa karagdagang impormasyon, pwede ka ding kumontak sa iyong Telco provider via Globe store or Globe Facebook Messenger.