Paano magkaroon ng QRPH para sa GPO?
Ang GCash Pera Outlet Scan to Pay (QRPH) ay service na maaaring magamit ng mga customer para magbayad ng kanilang transactions sa Pera Outlet by scanning a QR code gamit ang GCash app.
FAQs
Ang QRPH ay available lang sa mga Fully Verified GPO accounts
Malalaman na ikaw ay Fully Verified account kung nai-display na ang banner na ito sa iyong GPO Dashboard.
Makikita rin ang status sa iyong Profile Page. Ang Access Level mo ay Full User kung ikaw ay Fully Verified.
Kung ganito ang nakikitang banner, click here para malaman kung paano maayos ang iyong application.
Ang mga bagong Fully Verified GPOs ay makakatanggap ng official QRPH standee sa kanilang tindahan sa loob ng 17 working days after successful registration.
Ipapadala ito ng iyong assigned GPO Distributor agent o official courier. Huwag kalimutang i-sign ang acknowledgement receipt.
Sa ngayon, hindi pa available ang in-app QR sa GPO Plus mobile app. Stay tuned!
Ang official QR standee ng GPO ay may logos ng QRPH at ng GCash.
Kapag natanggap na ang iyong standee, maaaring i-display ito sa iyong counter o kung saan nagbabayad ang iyong mga customer.
Siguraduhing i-display ang QR standee sa lugar na mababantayan para maiwasan itong masira o matakpan.