Paano gamitin ang mga services ng GCash Pera Outlet
Bilang GCash Pera Outlet retailer, pwedeng magpa-Cash In, pa-Cash Out, Pay Bills, Claim Padala, at Scan to Pay ang mga customers sa tindahan mo. Basahin kung paano gawin ang mga ito sa ibaba.
Mga Paalala:
- Siguruhin na ang bawat transakyon ay ginagawa sa GCash Pera Outlet mini-app.
- Huwag gamitin ang iyong personal na GCash account para sa iyong suki. Hindi na ito sakop ng GCash Partner Support.
- Magkaroon ng isang notebook o logbook para sa GCash Pera Outlet Transactions. Ilagay dito ang sumusunod na impormasyon:
- Date
- Mobile Number ng Customer
- Transaction Reference Number
- Balanse ng GPO wallet bago ang transaction
- Balanse matapos ang trasaction
- Ugaliin na ipa-check sa customer kung tama ang transaction details na inilagay.
- Tandaan na walang reversal na magaganap kung nagkamali sa pag-enter ng number
- Kunin ang bayad bago i-confirm ang transaction sa GCash Pera Outlet mini-app.
- Tignan ang Log Book sa loob ng Pera Outlet mini app para i-confirm ang status ng transaction
- Makakareceive ng confirmation ang customer sa bawat cash in at cash out transactions
Magpa-cash in para malagyan ng laman ang GCash wallet ng customer. Pwede ito gawin gamit ang Cash In Code o GCash Mobile Number.
Paalala: Ipaalam sa customer na ang minimum amount ng pa-cash in ay PHP 100 at may dagdag 1% service fee sa bawat Cash In transaksyon sa Pera Outlet. Basahin ang Cash in via Over-the-Counter kung kailangan pa ng impormasyon.
Sundin ang sumusunod na steps para maturuan ang customer sa pag-cash in gamit ang kanilang GCash app:
- Buksan ang GCash app, i-tap ang Cash In
- Pindutin ang Over-the-Counter, tapos pindutin ang Cash In via Code or Barcode
- Ilagay ang amount na gustong ipa-cash in. Pindutin ang Next
- Magkakaroon ng bar code o number code sa GCash app. Ipakita ito sa GPO Partner
- Valid ang code ng customer sa pa-Cash In hanggang 3 oras.
Kapag nakagawa na ng code ang customer, sundan ang sumusunod na steps para ituloy ang pa-Cash In:
- Buksan ang GCash app, i-tap ang View All Services, hanapin ang Pera Outlet icon at i-tap.
- I-select ang Pa-Cash In
- Piliin ang Cash In via Code
- Hingin ang 8-digit Reference Code.
- Automatic na lalabas ang total ng amount na sisingilin sa customer.
- I-check ang mga detalye bago i-click ang Submit
Kung ang customer ay direkta magpapa cash in via GCash mobile
- Pindutin ang Pa-Cash In
- Pindutin ang Cash in via GCash mobile number
- Ilagay ang Cash In amount at mobile number ni customer.
- Makikita ang total na sisingilin sa customer, pindutin ang Next
- I-check ang mga detalye at pindutin ang Submit
Need more help?
Kapag hindi nakuha ng customer ang pa-Cash In sa GCash Pera Outlet mini app pero nabawasan ang wallet mo, i-click ito para mag-file ng report at ma-check namin ang isyu.
Para sa concern na maling GCash number ang nailagay sa Pa-Cash In, kailangan niyong makipag-ugnayan sa nakatanggap ng Cash In upang maibalik ito. Ayon sa regulasyon, hindi namin maaaring galawin ang pondo ng alinmang GCash account.
Gamit ang pa-cash out, malilipat ang amount galing sa GCash wallet ng customer papunta sa GPO wallet niyo. Pagkatapos, ibibigay niyo sa kanila ang aktwal na pera.
Ang pa-cash out minimum amount ay PHP 100 at may service fee ito na 2% na mababawas sa GCash wallet ng customer.
- Pindutin ang Pa-Cash Out
- Ilagay ang Cash Out amount at mobile number ni customer. Pindutin ang Next
- I-check ang mga detalye at pindutin ang Submit
- Ipakita kay customer ang resibo ng transaksyon
Need more help?
Kapag hindi nadagdagan ang laman ng Pera Outlet wallet mo pagkatapos magpa-Cash Out, i-click ito para mag-file ng report.
- Pindutin ang Send load
- Piliin ang tamang Telco sa listahan
- Ilagay ang mobile number ni customer
- Piliin kung Regular Load or Load Promos
- Ipa-check kay customer ang mga detalye at hingin ang bayad bago pindutin ang Submit
- Pindutin ang Pay Bills
- Piliin ang tamang biller sa listahan
- Ilagay ang detalye ng bill at ni customer
- Ipa-check kay customer ang mga detalye at hingin ang bayad bago pindutin ang Submit
- Pindutin ang Claim Padala
- Ilagay ang amount na dapat i-claim, reference number, at detalye ni customer
- Hingin ang ID ng customer at ilagay ang detalye ng ID. Isa itong BSP requirement
- Ipabasa kay customer ang T&Cs
- Mag-upload ng litrato ng pirma ni customer
- Ipakita kay customer ang resibo
Ang GCash Pera Outlet Scan to Pay ay libre, madali, mabilis, at secure na paraan sa pangolekta ng bayad mula kay customer. Ang maximum amount sa bawat transaction ay PHP 10,000. Ang maximum amount sa bawat buwan ay PHP 100,000.
Sundin ang mga sumusunod para matulungan si customer sa pagbayad gamit ang QR code ni GPO:
- Pindutin ang Gumawa ng QR
- Ilagay ang hinihinging detalye. Pindutin ang Next
- I-check na tama ang mga detalye. Pindutin ang Confirm
- Ipakita kay customer ang QR code para magbayad
Need more help?
- Kung hindi gumana ang unang QR code, mag-generate ng panibagong QR code at subukan ulit
- Kung nabawasan ang wallet ng customer pero walang na-credit sa Pera Outlet wallet, i-click ito para mag-file ng report. Isama sa report ang proof na unsuccessful ang transaction