Paano gumawa ng GCash account
Madali lang gumawa ng GCash account at libre pa! Alamin kung paano gumawa ng iba't ibang klaseng account:
- GCash - Para sa mga Filipino na nasa Pilipinas, 18 years old pataas, at may PH SIM
- GCash Jr. - Para sa mga Filipino o Foreigners na 7-17 years old na may PH SIM
- GCash Overseas - Para sa mga Filipinos abroad na may non-PH SIM
- GTourist - Para sa mga Foreign Nationals na may non-PH SIM
Paano mag-register ng GCash account
Dapat registered ang SIM card mo sa telco. Pwede kang gumamit ng SIM mula sa ANY PH network.
- I-download ang GCash sa Google Play Store o App Store.
- I-open ang GCash at ilagay ang mobile number mo. Tap Next.
- Ilagay ang 6-digit code na sinend sa number mo. Tap Submit.
- Piliin ang New Account, ilagay ang details mo, tapos Tap Next > Confirm.
- Mag-set ng 4-digit MPIN at Tap Confirm.
- Tap Go to Login at pwede ka nang mag-start!
Pwede kang gumawa ng hanggang 5 accounts gamit ang iba’t ibang number. Basahin ang article na ito.