Paano gumawa ng GCash Jr. account
I-register ang anak mo para sa GCash Jr.!
Features ng GCash Jr.
| ✅ Features open to GCash Jr. | ❌ Not Applicable for GCash Jr. |
|---|---|
|
Basic GCash Jr.
Fully Verified GCash Jr. Services under Basic GCash Jr., plus the following:
|
|
Mga Requirements
- Dapat ang parent ay Fully Verified GCash user
- Birth certificate ng anak (dapat ikaw ang registered parent). Tinatanggap ang original, screenshot, o photocopy nito
- Dapat 7 to 17 years old ang anak
-
Dapat may isa sa mga sumusunod na ID ang anak:
- National ID (Card Type)
- ePhil ID (Paper Type) / Digital National ID
- Passport
- Student ID
- Alien Certificate of Registration (para sa foreign o non-Filipino minors)
Paano gumawa ng GCash Jr. para sa iyong anak
- Sa GCash app, i-tap ang View All > GCash Jr.
- I-tap ang Add Child.
- I-enter ang mobile number ng inyong anak at i-tap ang Next.
- Basahin ang Terms and Conditions at Privacy Policy, tapos i-tap ang Proceed.
- I-fill in ang details ng inyong anak. Siguraduhin na tumugma sa kanyang ID, tapos i-tap ang Next.
- I-review lahat ng details, tapos i-tap ang Confirm.
- Mag-set ng temporary MPIN (4-digit password) para sa account ng inyong anak, tapos i-tap ang Confirm.
- I-tap ang Continue Application.
- I-review ang requirements at i-tap ang Continue.
- I-upload ang birth certificate ng inyong anak at i-tap ang Submit.
- Piliin ang ID type na gusto ninyong i-submit at i-tap ang Select ID.
- Kumuha ng photo ng ID ng inyong anak at i-tap ang Next.
- Hilingin sa inyong anak na mag-selfie gamit ang inyong phone.
- I-fill in ang remaining details, siguraduhin na tumugma sa ID ng inyong anak, at i-tap ang Next.
- Sagutin ang last two questions at i-tap ang Next.
Makikita ninyo ang confirmation page kapag tapos na ang enrollment.
Makatanggap kayo ng SMS para ma-confirm na natanggap ng GCash ang GCash Jr. application. Makakakuha kayo ng update sa loob ng 3 business days.