Anong features ang available sa GCash for Business?
Nasa isang lugar na ang iyong business account sa GCash for Business Portal. Pagkatapos ma-set up ang account mo, pwede mong pamahalaan ang iyong wallet, transactions, branches, at team sa portal.
Ano ang pwede kong gawin sa GCash for Business Portal?
Para alamin ang mga features ng GCash for Business Portal, i-tap ang feature sa ibaba:
Get started
Mag-register at kumpletuhin ang iyong application online gamit ang self-service onboarding.
Ang eligible enterprise accounts ay pwede ring mag-apply sa tulong ng agent.
Manage your money
Ang Wallet Dashboard ang home page ng portal. Makikita rito ang iyong:
- Available balance
- Pending balance
- Mga pinakabagong transaction
Makikita mo agad ang mga ito pagkatapos mong mag-log in.
Pwede kang mag-transfer ng pera:
- Sa ibang GCash for Business merchant
- Sa bank o e-wallet gamit ang PESONet
Direktang manggagaling ang transfers sa iyong business wallet.
I-review ang iyong transaction history at gumamit ng filters para mahanap ang isang transaction ayon sa:
- Date
- Status
- Type
Pwede mo ring buksan ang isang transaction para makita ang buong details nito.
I-export ang iyong transaction history para sa:
- Accounting
- Reconciliation
- Tax filing
Manage your business
I-register ang iyong business locations sa portal. Makakatulong ito para maayos at mareport ang activity ng bawat branch.
Pwede kang magdagdag ng isang branch kada pagkakataon o mag-upload ng maraming branch gamit ang bulk upload.
Mag-invite ng team members at bigyan ang bawat isa ng role. Makokontrol mo rin kung ano ang makikita at magagawa ng bawat team member sa account.
Ang ilang GCash for Business products, tulad ng in-store payment acceptance, ay ina-activate separately pagkatapos ng onboarding.
Kung hindi pa available sa account mo ang product na gusto mo, pwede mo itong i-request sa portal. Depende sa product ang requirements at terms.