Hindi natanggap ang wire transfer o withdrawal sa US Virtual Account
Real-time ang mga deposits at withdrawals sa US Virtual Accounts.
Need help? Contact GCash Support
Ang US Account mo ay issued ng Meridian, isang US financial institution. Hindi customers ng bank ang GCash users, kaya hindi nila ma-access ang info mo o ayusin ang iyong issues.
GCash Support ay magche-check ng concerns mo at makipag-ugnayan sa bank o Meridian kung kailangan.
Para sa deposits sa US Virtual Account
- I-check kung nasa US Virtual Account transaction history ang transaction.
- Siguraduhing tama ang details na linagay ng sender.
- Kung wala pa rin ang pera pagkatapos ng 24 oras, click here to contact GCash support. Magre-reply ang team namin after 24 hours.
Para sa withdrawals papuntang GCash wallet
- I-check kung nasa GCash transaction history.
- Kung hindi pa rin dumadating ang pera, click here to contact GCash support. Magre-reply ang team namin after 24 hours.