Ano ang US Virtual Account?
Ang US Virtual Account sa GCash ay isang virtual account kung saan pwede kang tumanggap ng US dollars. Pwedeng mag-hold at mag-manage ng USD payments directly mula sa US companies, payroll platforms, o accounts ang mga eligible users.
Ang paggamit ng US Virtual Account service ay subject sa separate terms at privacy policy ng Meridian. Kailangan mong i-review at i-agree sa terms na ito bago mo magamit ang service.
Ang GCash Virtual US Accounts ay ini-issue at mina-maintain ng Meridian Payments US under a "for benefit of" arrangement. Hindi ito bank account at hindi ito considered na deposit, kaya hindi ito covered ng kahit anong deposit insurance schemes.
Ang US Account ay nagbibigay sa’yo ng sarili mong United States (“US”) account details, kasama ang routing number at account number, na pwede mong i-share sa US payers. Ang payments na pinapadala sa account na ’to ay papasok sa USD balance mo.
Ikaw ang pipili kung kailan mo gustong i-convert ang USD mo to Philippine pesos (PHP). Kung naka-set sa automatic ang conversion mode mo, lahat ng incoming USD funds ay automatic na iko-convert to PHP at iti-transfer sa linked account mo.
FAQs
Ang account mo ay supported ng network ng federally regulated U.S. partner banks. Lahat ng partner banks ay FDIC-insured, kaya protektado ang deposits mo hanggang $250,000 per depositor, per insured bank. Dahil naka-spread sa multiple banks, may extra redundancy at dagdag security ang funds mo.
Yes. Ang iyong US Account details ay nakarehistro sa iyong pangalan sa pamamagitan ng aming mga US banking partners.